CHAPTER TWO

614 10 0
                                    

MATULIN lumipas ang taon. Nakilala at  malapit na magkaibigan sina Raymart at Clarence. Kung saan nakatira lamang si Raymart malapit sa kanila. Bilang naging malapit na magkaibigan palaging nagsasama kahit saan ang dalawa at isa sa lugar na panay sila nag- uusap ay ang punong narra. Ang palaging ginagawa nila ay tumatambay sa tuwing wala magawa o 'di kaya naman ay gumagawa ng assignment.

"Magandang araw po Nana Nelly, nandiyan po ba si Raymart?"  Si Clarence, nakahanda na ang ngiti sa mga labi niya para kay Nana Nelly. Ina ni Raymart. Nadatnan niya kasi itong nagdidilig ng mga pananim nitong mga halaman at bulaklak.

Ilang araw na kasi hindi pumasok ng eskwelahan si Raymart. Nag-aalala na siya para sa binatilyo. Minabuti niya na lamang puntahan dito upang  kumustahin at alamin na rin  ang dahilan na hindi ito pumasok. Kilala niya si Raymart hindi ito nag-a-absent kung walang matinding dahilan. Genius  pa nga tawag niya kay Raymart dahil sa magaling ito sa lahat na academics.

Saglit naman tumigil si Nana Nelly, sa ginagawa nito. Tiningnan siya nito na may ngiting nakapaskil sa mga labi ng Ginang."Ikaw pala Clarence, pumasok ka rito sa loob ng bakuran." Anito."Nasa loob ng bahay si Raymart nandoon sa kuwarto niya," pagbibigay alam  pa nito.

"Kumustahin ko lang po sana si Raymart. Ilang araw na rin po kasi hindi siya pumasok," kaswal saad ni Clarence.

"May sinat kasi ang batang iyon.  Hindi muna pumasok at baka mabinat," saad naman  ng Ginang."Mabuti naman at napasyal ka rito Clarence."

"Saglit lang po ako. Baka hanapin rin po ako ni Mommy," aniya. Sa totoo hindi siya nagpaalam sa kanyang ina  na aalis siya at pupunta dito.

" Puntahan mo na lang si Raymart sa kuwarto niya,"  Si Nana Nelly. Pinagpatuloy na ang naudlot niyang ginagawang pagdidilig sa mga pananim niya.

"Puntahan ko na po si Raymart, salamat po."Nakangiting sambitla ni Clarence. Binaybay ang daan papasok sa loob ng bahay. Alam naman niya kung saan banda ang kuwarto ni Raymart. Ilang beses na rin siya napunta rito kaya madali lang para sa kanya.

Nasa tapat na siya ng pinto ng kuwarto ni Raymart. Nakasara ang pinto,  nagdadalawang isip si Clarence. Kung kakatok siya o hindi pero mas pinili niya ang huli. Gusto niyang i-surprise  si Raymart. Sinubukan  niyang pinihit ang doorknobs. Luckily hindi iyon naka-lock sa loob. Dahan-dahan niyang tinulak ang dahon ng pinto. Maingat ang  bawat kilos habang ginagawa niyon upang hindi siya makalikha ng ingay kung sakali. Subalit malakas na tunog ng musika ang sumalubong sa pandinig ni Clarence. Nagmumula ang togtog   na iyon sa stereo nakapatong  doon sa maliit na divider nito. Ang buong akala niya, may sakit daw si Raymart. 'Yon ang sabi ng nanay nito. Ngunit tila nasa discohan lamang ito sa lakas naman ng music. Pumasok na lamang siya sa loob ng kuwarto ni Raymart.

"Anong ginagawa mo dito?"narinig niyang tanong ni Raymart. Napatalon siya dahil sa gulat. Sabay kapa sa dibdib niya  tila may mga daga naghababulan sa loob niyon. " Ginulat mo ako!" nakasimangot turan ni Clarence.

" Ako rin ginulat mo. Bakit ka naligaw rito?" sambakol ang mukha ni Raymart. Tinungo ni Raymart ang kinaroonan ng stereo upang i -off na iyon. Malakas ang tugtog ng music at pati siya tila mabibingi na rin. Dala ng boredom  kung kaya ay naisipan niyang magpa-music at sa kalakasan tunog. Sigurado kung patuloy ang gano'n hindi sila magkakaintindihan ni Clarence. Kailangan pa nilang magsigawan upang marinig ang sinasabi ng isa't isa.

Sa halip na sumagot si Clarence, malakas siyang tumawa habang pinagmamasdan ang pang-ibabang suot ni Raymart. "Bakit nakasuot  ka ng  palda ng nanay mo?" tanong niya sa gitna ng pagtawa. Namumula ang pisngi niya sanhi  sa kakatawa niya.

Umiwas ng tingin si Raymart dito. Namumula rin ang pisngi sa naramdaman hiya para rito. Wrong timing naman ang punta nito. " Umuwi ka nga. Baka hinahanap ka  na sa inyo," pagsusuplado niya.

A BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon