Chapter Eight

354 11 0
                                    


      DAHAN-DAHAN binuksan ni Clarence ang dahon ng pinto upang sa gano'n ay hindi siya makalikha ng ingay. Nang nasa loob na siya ay maingat niya rin iyon naisara ng mabuti. Kapa ang sariling dibdib habang abot-abot ang panalangin na sana natutulog pa rin ang mga magulang niya. Dahil kung sakaling nagising na ang mga magulang niya, tiyak mapapagalitan siya na tumakas siya nang madaling at sumama pa siya kay Raymart. Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan na siyang nakapasok sa looban ng bahay. Tahimik pa rin ang buong sambahayan  ng mga sandaling iyon. Ang ibig sabihin lang no'n ay hindi pa rin nagigising ang mga magulang niya at ang kanilang katiwala rito.

Maingat ang bawat kilos niya na pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay nila. Kung saan ay nandoon ang kuwarto niya.

"Clarence! Saan ka galing? Sa ganitong oras?" sunod-sunod na tanong ng Daddy niya. Nakatayo ito sa pinakadulo ng hagdan dito sa sa second floor. Tila ba hinintay talaga  nito na makaakyat siya ng tuluyan dito.

"D-dad," aniya sa mababang boses. Hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng ama. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya dahil sa sobrang kaba na siyang naramdaman. Nababanaag niya rin sa mga mata nito ang galit.

"Saan ka galing?!" Tanong uli nito. Dumadagundog ang malakas na boses ni Mr Rodney. "Sino ang kasama mo?"

"M-may pinuntahan lang po kami ni Raymart. May ipinakita lang siya sa 'kin." Nauutal na sagot niya. Animo ay binabayo na ang dibdib niya sa lakas nang pagkabog niyon. Dahil sa naramdaman kaba at takot para sa Daddy niya. Alam niyang galit na galit ito sa kanya.

"Ganitong oras nakipagkita ka sa lalaking iyon? Sumama ka pa sa kanya?!" pasigaw na wika nito. "Dalagang tao ka Clarence. Kung saan-saan ka lang  nakikipagkita sa lalaking iyon at sumama ka pa?" Nagtatagis na bagang wika ni Mr Rodney, habang nakakuyom ang mga kamao nito.

"Sorry Daddy," tanging naisagot niya lamang rito.

"Totoo ba na boyfriend mo na si Raymart? Hah! Clarence!"

"Opo," sagot ni Clarence.

"Nakipagkita ka sa lalaking iyon ng ganitong oras.  Makipaghiwalay ka sa 'di hamak na anak ng trabahador lang  natin," anito na pulang-pula ang mga mata dahil sa matinding galit nito.

"Sorry Dad but hindi ko..." Hindi ni Clarence natapos ang sasabihin niya. Dahil sa malakas na sampal nito sa kaliwang pisngi niya.  Halos ikatabingi na nang mukha niya.Sa malakas na sampal na tinamo mula rito sa ama niya.  Ramdam niya ang sobrang sakit ng pisngi niya gawa sa pagkasampal ng daddy niya.

"Kung ipagpatuloy mo ang pakikipagrelasyon  sa Raymart na iyon. Hindi lang 'yan ang matitikman mo Clarence!" sa malakas na boses nito.

Sapo ang kaliwang pisngi na pakiramdam niya ay naging kulay kamatis na rin iyon. Inipon ang buong lakas ng loob bago nagsalita. " Tumakas man ako at sumama kay Raymart. Papuntang palayan pero Daddy maniwala ka, wala po kaming ginawang masama." Naiiyak na sabi ni Clarence. Hindi maawat-awat ang mga luha na nagsilandasan sa kanyang pisngi. Hindi niya lubos maisip na sa kauna-unahang pagkakataon ay nasampal siya ng ama.

"Layuan mo ang lalaking iyon." Anito matigas ang mukha dahil sa galit na galit pa rin ito.

"D-dad, sorry..."

"You heard me right? Makipaghiwalay ka sa Raymart na iyon!" Nanggagalaiti wika nito. "Hindi ka namin pinalaki  ng Mommy mo at binigyan nang magandang buhay. Para lang makipagrelasyon sa kagaya niyang anak ng isang magsasaka lang."

"I'm sorry, pero hindi ko susundin. Gaya ng inuutos ninyo sa akin Daddy. Mahal na mahal ko po si Raymart." Aniya sa pagtutol sa kagustuhan mangyari ng ama.

A BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon