Chapter Two

2.1K 39 1
                                    



"Waaaah! Ang sarap ng luto mo ate!" puri ni J sa luto ko.

"Thanks!" nahihiyang sambit ko.

Di pa rin ako maka-move on, kinikilig pa din ako. Shet naman kasi si Victor e!

"Busog na busog ako ate, dito ka na lang sana lagi mag-dinner tapos ikaw lagi magluto!" sabi naman ni Michi.

"Sige, pero hindi lagi ha? Baka pagalitan ako ni Mama e. Pero promise, ipagluluto ko ulit kayo." sabi ko.

"Talaga? Yey!" sabay na sabi ni Mchi at J.

"Sige na, tumayo na kayo jan at liligpitin ko na itong kinainan natin." sabi ni Akiks at tumayo na kami, pero tinulungan ko siya.

Tapos na kaming kumain at sarap na sarap sila sa Adobo ko, puro si Michi at J lang ang nagsasalita kasi maingay talaga sila. Halos close na kami, dahil lagi akong tumatambay dito kela Akiks.

Wala ang parents nila, nasa Korea. Silang apat lang dito, at namamanage naman nila. Tsaka safe naman dito sa lugar namin e.

Niligpit ko na yung mga plato at dinala sa lababo para mahugasan, sabi kasi ni Akiks, siya na lang daw maghuhugas e.

"Ang sarap ng luto mo." halos mabitawan ko na yung hawak kong plato dahil sa gulat. Pero wait, talaga bang sinabi niya yun?

Lumingon ako at nakita ko siya, nakatingin sa akin.

"T-Thanks." I manage to say, nauutal pa ako.

Tinanguan lang niya ako at umalis na.

Pagpunta ko sa sala, si Michi at J lang ang andun. At syempre ang dakilang snob at takot sa tao ng baranggay namin ay nasa kwarto niya. Minsan ko na lang yun makitang lumalabas e. Bampira ata! Hahaha

"Akiks, uwi nako ha? 7:30 na e. Baka hinahanap na ako." paalam ko kay Akiks pagkatapos niya maghugas.

"Osige, pero kaya mo ba? Sorry, walang maghahatid sayo e. Pasundo ka na lang kaya." pag-aalalang suhestiyon niya.

'kay kuya mo, pahatid ako.' bulong ko sa sarili ko, pero joke lang! Asa naman ako! Pero sana totoo, hahahaha lol.

"Wag na, keri ko naman e. Bye!" I said instead.

"Michi, J, uwi nako! Bye." paalam ko sa kanila habang nanunuod sila ng TV.

"Sige, babye ate! Ingat!" paalam nila.

"Bye Akiks, bukas na lang ulit." paalam ko kay Akiks. "pasabi kay kuya mo, babye! Hahahaha!" biro ko.

"Hahahaha, sige. Bye! Ingat ha?" sabi niya at umalis na ako.

Di man lang ako nakapag-paalam kay Victor ng personal. Hays, well, asa naman ako noh!

Okay lang, atleast masarap daw luto ko! Yieee.



Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon