Chapter Twenty Six

1.1K 17 0
                                    

Christmas Ball.

"Ay wow naman bes! Sobrang ganda mo!" manghang sabi ni Akiks pagkatapos ko magbihis.

Sabay kasi kami magpa-ayos dito sa isang salon tapos dito na rin kami nagbihis para diretso na sa venue.

"Ano ka ba, mas maganda ka pa rin sa akin."

Totoo naman kasi, sobrang ganda ni Akiks. Simple lang siya, pero litaw ang ganda niya.

Iba talaga kapag may lahi e.

"Ay jusko, nambola pa! Picture-picture muna tayo! Daliii." aniya at kinuha ang phone niya.

Kinuha ko rin naman ang phone ko para may picture kami sa cellphone ko.

Picture picture lang kaming dalawa. Ang ganda din kasi ng ambience dito sa salon. Kaya perfect for picture talaga.

"Hala bes, 7P.M na! Tara naaa." sabi niya nung napatingin siya sa orasan. At 7P.M na nga.

Nagbayad na kami at nagpasalamat muna kami dun sa nag-ayos sa amin bago kami umalis sa salon.

"Hala bes! Ang daming tao, nahihiya ako." sambit ni Akiks pagdating namin sa Venue.

"Ano ka ba, natural at may party! Shunga mo talaga bes."

"Eeee. Uwi na ako, nahihiya ako." aniya at sumiksik pa sa akin.

One thing about Akiks, mahiyain siya sa maraming tao. Yung as in crowded, like this party.

"Ano na bes, umayos ka! Nakaka-wala ka ng poise!" singhal ko sa kanya at umayos naman siya.

Naglakad na kami dun sa hinandang red carpet tapos may photo booth sa gitna para magpa-picture bago makarating sa loob ng convention hall. Ganyan ang ginawang set-up namin mga SC e. Para daw dramatic, mala-Star Magic Ball. Hahahaha!

Pagkadating namin sa loob mismo ay nasa kanya-kanyang table na ang mga students. Nakita ko rin ang mga co-SC Officers ko malapit sa stage, dun kasi kami lahat pwepwesto e.

"Sige na bes, punta ka na sa table niyo." sabi ko sa kanya.

"Eeeee! Hiya nga ako bes, sama ako sayo!" parang batang sabi naman niya.

"Dun ako sa table ng SC Officers bes, tara-hatid muna kita."

Iginaya ko naman na siya sa table nila, at pagdating namin dun biglang nanahimik ang mga kaklase niya.

After ilang segundo ay.....

"OMG! Akiera, ang ganda mooo!"

"Kyaaaah! Akiera, picture tayo!"

"Akiera, manliligaw raw si Joshua!"

"Gosh! Akiera, I love you naaa! Ako'y titibo-tibo sayo."

Yan ang ingay na bumungad sa amin ni Akiera.

Iba ang ganda ni bes ko! Hahaha.

Iniwan ko siya dun at dumaan muna sa table ng section namin bago dumiretso sa table ng SC.

"Hi guys! Is everything okay? Wala bang problema dito?" tanong ko sa kanila.

"Okay naman, we're just waiting to start na lang." sagot ng isa kong kaklase.

"Sige, sa table lang ako Student Council ha? Tawagin niyo ako pag may problema dito." bilin ko pa sa kanila bago tuluyang pumunta sa table ng SC.

Sakto naman na pagkarating ko dun ay nagsalita na yung emcee sa stage at nagsimula na ang party.

Ilang messages lang from the Principal, Dean, Admin and from our SC President.

Pagkatapos nun ay kumain na ang lahat para daw dire-diretso na ang party.

"Woi, Rofe. Eto pa o, kuha ka pa. Mukhang diet ka naman e." sabi sa akin ng isang ka-officer ko.

"Okay na to, busog naman ako e." sagot ko sa kanya at inubos na lang yung pagkain ko.

"Woi. On the spot daw ang pagpili ng King and Queen of the night. Yieee, sino kaya no?" biglang sabi ni Riza sa tabi ko.

"O talaga? Maganda yung ganun." komento ko.

"Ang ganda mo ngayon! Pak na pak. For sure ikaw ang Queen." sabi pa niya.

"Hala, hindi ah! Marami pang mas elegante dyan."

"Nah. You're simple yet elegant. Perfect lang." sabi pa niya at tumawa lang ako.

"Anyways, where is your suitor? Ayieee. Sana kayo ang King and Queen." aniya pa.

Napatingin naman ako sa section nila Victor at hindi ko siya nakita dun.

Asan kaya yung lalaking yun? Pupunta kaya siya?

Hindi ko na sinagot si Riza at kinuha ang phone ko sa porche ko.

Walang text from Victor. So, I just type my text.

Wer r u na?
            delivered.

After ilang minutes ay hindi pa rin siya nag-reply.

Are you still going tonight?
                                       delivered.

Nakalipas na ang sampung minuto ay wala pa rin siyang reply. Nag-aalala na ako! Ano kayang nangyari dun? Sana okay lang siya, birthday pa naman niya ngayon.

Hey! Are u okay? Hindi ka nagpaparamdam sa akin, nag-aalala na ako.
                                             delivered.

Simula kasi kanina hindi siya nagpaparamdam. Nagreply siya ng 'thank you.' sa LSM ko kaninang umaga, kasi birthday niya.

Ugh, anong nangyayari kay Victor?

Tinext ko na rin si Akiks.

Akiera, where is ur kuya?

After isang minuto lang ay nag-reply niya si Akiks.

I don't know. Nauna naman yung sa akin umalis e.

Basa ko sa reply niya, hindi na ako nag-reply.

"Woi, Rofe! Halika na sa stage. Dun daw tayo pwepwesto para pumili ng King and Queen." biglang sabi niya sa akin.

Wala sa sariling tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Gosh, Victor! Asan ka na? Wala naman sanang masamang nangyari sa iyo.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon