Special Chapter 2

840 13 0
                                    


"Love, gising na. We're here."

Naalimpungatan aki sa gumigising sa akin.

"Love, wake up." tapik pa sa mukha ko.

"Hmmm." ungol ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin si Victor.

"Andito na tayo sa beach, love. Tara na." nakangiting saad niya.

Napangiti naman ako. Tiningnan ko ang loob ng van at kami na lang dalawa ang nandito.

Nag-ayos na ako ng sarili ko, "Let's go." sabi ko.

Bumaba na kami ng van at siya naman ang nagdala ng mga gamit namin.

Tiningnan ko ang paligid, it's so relaxing.

The white sand, the blue beach and it's waves, the green surroundings. Super nakaka-relax!

Pumasok na kami sa hotel na pagtutuluyan namin for two days and one night. I read the signage, Calaguas Beach & Resort.

Naabutan pa namin sina Akiks, Pat, Leo, Dave at Kim sa lobby. Hinihintay siguro kami.

Nasira na naman ang mood ko pagkakita ko sa mukha ni Kim. Bakit ba kasi sumama pa siya? Ugh!

"Okay, let's go to our room na! I want to rest, napagod ako sa byahe." saad ni Pat.

"So, dalawang room lang ang kinuha natin." paliwanag ni Akiks. "one room for girls, one room for boys." paliwanag niya

Sumang-ayon naman kami lahat. Pumunta na rin kami sa kanya-kanyang room para magpahinga.

Pansin kong tingin ng tingin sa akin si Kim, hindi pa rin kami nag-uusap simula kanina at wala akong balak kausapin siya.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko para magpahinga.

*

"Rofe, gising na." boses ni Akiks. "Kakain na tayo ng miryenda tapos maliligo." sabi pa niya.

Nagmulat na ako ng mata at bumangon. Nginitian ko naman si Akiks bago mag-ayos ng sarili.

Sabay-sabay kaming bumaba mga girls maliban kay Kim dahil nauna na daw ito, pagdating namin sa lobby ay andun na ang mga boys at si Kim na katabi si Victor. Ginagalit talaga ako ng babaeng ito!

Lumapit agad sa akin si Victor pagkalapit namin sa pwesto nila.

"Hi, love. Kamusta?" bungad niya sa akin.

Nginitian ko naman siya, "Ayos naman. Ikaw?"

"Okay lang din, na-miss kita agad." naka-pout na saad niya sabay halik sa pisnge ko.

Napangiti naman ako pero nung napunta kay Kim aang tingin ko ay unti-unting nawala ang ngiti ko.

Nakatitig lang siya sa amin, ang amo niyang tingnan pero nasa loob ang baho niya. Alam kong deep inside ay kung anu-anong torture na ang ginagawa niya sa akin sa isip niya.

"Tara na, gutom na ako!" si Leo.

Pumunta na kami sa isang cafeteria ng hotel at kumain.

"Ligo na tayo! Ang ganda ng beach." ani ni Pat habang palabas kami ng cafeteria.

Dumiretso kami sa tabi ng beach at nagpicture-picture muna bago sila maligo.

"Love, di ka pa maliligo?" tanong ni Victor sa tabi ko.

Sila Akiks, Pat, Leo at Dave ay naliligo na. Kami na lang ni Victor at Kim ang nakaupo dito sa buhanginan.

Mas pinili talaga ni Kim na sa amin sumama, ano bang gusto niyang mangyari?

"Ikaw ba?" tanong ko.

"Tara, ligo na tayo." sabi niya at hinila ako patayo. "Ikaw, Kim?" baling niya kay Kim na nakatingin sa amin.

"Sama na ako sa inyo." ngiting-ngiti pa siya kay Victor.

May sasabihin pa sana si Victor pero hinila ko na siya papunta sa dagat.

Pag talaga hindi ako nakapagtimpi sa babaeng yun, sasampalin ko siya!

Akala mo kung sinong tahimik pero nasa loob ang kulo niya! For sure, humahanap lang yan ng tyempo para malandi si Victor.

At once na mahuli ko siya, humanda talaga siya sa akin!

***

OKAY. Hahahahaha :D Any violence reaction kay Kim? Pero parang ang bait naman niya e! COMMENT GUYS! Bukas na lang ang SC3. Hmua hmua!

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon