Chapter Twenty Five

1.2K 17 0
                                    


It's December na.

One week na lang at Christmas Ball na namin.

At andito kami ngayong tatlo ni Akiks at Victor sa mall. Naghahanap ng magandang ma-isusuot para sa Christmas Ball.

"Dun tayo bes oh! Tingin tayo dun!" turo niya sa isang botique at pinasok namin yun.

Sumunod naman sa amin si Victor na nananahimik lang.

Wala sa mood.

Pano kasi, inaya niya ako na sabay na kami bumili para raw pair na yung dadamitin namin. Kaso narinig ni Akiks yung plano namin kaya sumama na rin.

Kaya ito, halatang naiinis si Victor kasi pinagang hila ako ni Akiks kung saan-saan.

"Ito bes oh, ang ganda! Bagay sayo!" aniya sabay tapat sa akin nung dress na nakuha niya.

"Ang pangit niyan." biglang singit ni Victor.

Kanina pa kami naghahanap ng para sa amin dalawa. Unang pasok pa lang ni Akiks sa isang botique nakahanap na agad siya ng dadamitin niya. Samantalang, wala pa kaming nahahanap ni Victor.

Kung may i-suggest naman si Akiks ay lagi niyang binabara. Hay nako talaga itong mag-kapatid na ito.

"Ano ba kuya, kanina ka pa pangit ng pangit dyan! Kaya walang napipili si Rofe e!" asik ni Akiks.

"Ang epal mo kasi, date namin 'to tapos sisingit ka!" ganti naman ni Victor.

Di ko talaga maintindihan itong magkapatid na ito, sabi sa akin ni Akiks dati sweet daw si kuya niya at maalaga. E anyari ngayon? Bangayan sila ng bangayan!

Well, sweet at maalaga naman talaga si Victor.

Naiinis lang siguro dahil panira ng date namin si Akiks! Hahahaha.

"Ay sorry na! Sige na, hanap na lang rin ako ng ka-date!" dabog niya at kinuha ang paper bag na may lamang dress na binili niya.

"Aba aba! Anong maghahanap ng ka-date!? Umuwi kana!" striktong sabi ni Victor kay Akiks.

"Tse!" pagtataray pa ni Akiks with matching flip ng hair at irap pa bago mag-walk out.

"Umuwi ka na ha! Pag uwi ko at wala ka pa, lagot ka!" pahabol pa ni Victor.

One thing about Victor again, he's so over protective.

"Ano? May nahanap ka na ba?" baling niya naman sa akin.

Tumingin ako sa paligid at nakitang puro pambabae lang ang mga naroon.

"Wala e, hanap tayo sa iba." sagot ko.

Naghanap ako ng isang botique na may panlalaki at pambabae.

Nung may nakita ako ay pumunta kami dun, "tara dun!" aya ko at sumunod naman siya.

Naghanap agad ako ng formal dress na magka-pair for boy and girl.

Nung may nagustuhan ako ay nilapitan ko yun.

"Wow." namamanghang sabi ko habang tinititigan ang dress.

Isa siyang off-shoulder blue cocktail dress na naka-suot sa isang mannequin kaya kitang-kita ang pagka-ganda nito. Yung sa panlalaki naman ay simple lang, color blue na longsleeve polo na may kasamang slacks, naka-tuck in pa yung polo, kung titingnan mo ay sobrang babagay kay Victor. Simple yet elegant looking.

"Gusto mo niyan?" tanong niya at wala sa sariling napatango ako dahil sa sobrang ganda.

"Okay, we'll take it." aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"We'll buy it for our Christmas ball, pair naman na siya diba?"

"O-okay."

Nagtawag siya ng isang sales lady para mag-assist. Lumapit naman agad ito sa amin at sinabing sa counter na lang kami maghintay.

"Bayad ko para dun sa dress." sabay abot ko sa kanya ng pera.

"Iniinsulto mo ba ako?" natatawang sabi niya. "Ako na, ano ka ba." dugtong pa niya.

"Hala, ang mahal kaya nun. Nakakahiya." sabi ko.

Totoo naman kasi, nakakahiya. Sino ba naman kasi ako sa kanya para bilhan niya ng ganun ka-mahal na damit diba?

"Caira, ako na. Regalo mo na sa akin sa birthday ko, hayaan mo na ako." seryosong sabi niya.

Wala naman akong magawa kaya tinago ko na lang ulit yung pera ko.

"Heto na po sir, thank you!" sabi nung sales lady sabay bigay kay Victor ng dalawang paper bag.

"Kain muna tayo." sabi niya pagkalabas namin dun sa botique.

Tumango naman ako.

Pumunta na kami sa McDo, our favorite.

And the usual, siya ang nag-order at naghanap ako ng pwesto namin.

Pgkatapos niya mag-order ay kumain na kami.

Tahimik lang ulit kaming kumain, pagod kakalibot sa mall.

Naalala ko si Akiks, asan na kaya yung babaeng yun?

Pagkatapos kumain ay umuwi na kami.

"Malapit na ang Christmas Ball." banggit niya habang naglalakad kami, ihahatid na niya ako sa bahay.

Hindi ako sumagot dahil feeling ko may idudugtong pa siya.

"I can't wait for that night." huminto ulit siya. "That night will be perfectly for us." dugtong pa niya.

Hindi ako naka-imik, umurong ang dila ko. Masyado akong na-amaze sa sinabi niya.

"Pasok kana, goodnight." hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay.

At tulad ng ginawa niya dati, hinalikan na naman niya ako sa noo bago tumalikod.

Dahilan kung bakit mas lalo akong natulala at hindi nakagalaw.

"Arf arf! Arf arf!" natauhan lamang ako nung may bumatok na aso sa gilid ko.

Tiningnan ko ito at ang sama ng tingin sa akin. Dali dali akong pumasok sa bahay at sinara ang pinto bago pumasok sa kwarto ko.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon