Special Chapter 3

1K 14 0
                                    

"Rofe, tara na sa baba. Andun na sila, kain na tayo." sabi ni Akiks paglabas ko sa banyo.

Tumingin ako sa paligid at kami na nga lang ni Akiks ang nandoon.

"Tara." ngiti ko sa kanya.

Bumaba na kami at naabutan namin sila sa lobby na naghihintay, pero wala sila Victor at Kim.

"Asan si Victor?" tanong ko kina Leo.

"Ha? Ah, eh. Andito yun kanina e." sagot niya.

"Lumabas siya tapos sinundan ni Kim." sagot ni Pat.

"Sige na, una na kayo sa restaurant. Susunod ako, hanapin ko lang si Victor." sabi ko at lumabas na.

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko nakita si Victor, kahit si Kim, hindi ko nakita. Saan ko naman sila hahanapin?

Nagsimula na akong maglakad sa lugar na hindi matao, ewan ko kung bakit yun ang napili kong paghanapan. Instinct ko ata.

Naglakad-lakad pa ako at kaunting tao lang ang nakikita ko. Asan sila? Ugh!

"Bakit ba hindi mo ako matutunan mahalin?" boses ni Kim. "Lahat naman ginawa ko na ah? Lagi akong nasa tabi mo. Pero bakit hindi mo ako makita?" dugtong pa niya.

"Ano ba, Kim! Wag mong ipagsiksikan sa akin ang sarili mo!" boses ni Victor.

Now, I found them. Lumapit ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko sila. Halata sa muka ni Victor na naiinis na siya, at mukha namang iiyak na si Kim.

Ganun na ba siya kadesperada sa atensyon ni Victor? Ang landi niya!

"Ano bang meron kay Rofe? E mas maganda naman ako sa kanya! Mas lamang ako sa kanya!"

"Wala akong pakialam kung mas lamang ka sa kanya, mahal ko si Rofe! At kahit anong gawin mo, hindi mo kami mapaghihiwalay!" buong inis na sagot ni Victor.

Tangina, Kim! You're getting into my nerves. Ginagalit mo talaga ako! Malandi ka!

"Victor, please. Ako na lang, please. Mahal kita! Mahal na mahal." nagmamaka-awang sabi ni Kim, nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya.

The pathetic bitch is crying, begging infront of my boyfriend!

"Ako na lang, Victor. Gagawin ko lahat. Iwan mo na si Rofe, ako na lang." umiiyak na sambit pa niya.

"Tangina, Kim! Namumuro ka na sa akin! Nakipag-kaibigan ako sayo dahil yun ang gusto mo! Pero kung sasabihin mo ang mga yan, wag ka ng magpakita sa akin dahil baka hindi kita matantya at makalimutan kong babae ka." galit na sabi ni Victor.

"Kung hindi mo gagawin, ako ang gagawa ng paraan." mala-demonyong sabi ni Kim at biglang hinalikan si Victor sa labi.

Bago pa man maitulak ni Victor si Kim ay hinila ko na ang mga buhok nito at sinabunutan siya. Tangina, nanggigigil ako!

Sinabunutan ko siya gamit ang isang kamay ko at pinaharap ko siya sa akin saka sinampal ng sobrang lakas.

"Tangina mo, Kim! Ang tagal ko ng nagpipigil dyan sa kalandian mo!" sigaw ko sa kanya.

Hindi naman siya naka-imik.

"Anong karapatan mo para sirain kami ni Victor? Hayop kang malandi ka! Kung may sisirain kang relasyon, wag kami dahil wala kang mapalaka kundi ang masaktan!" dagdag ko pa at binitawan ang buhok niya.

Nag-ayos naman siya sa sarili at walang sinabi, napansin ko ding umiiyak na siya.

"Mabait ako pero sumusobra kana. Wala akong masabi, Kim. Wala akong ibang masabi kundi, ANG LANDI LANDI MONG HAYOP KA!" sigaw ko pa sa kanya.

"Binabalaan kita, Kim. Layuan mo kami at wag mo ng gulihin ulit kundi malalagot ka talaga sa akin! Ipapakita ko sayo ang impyerno pag sinira mo pa kami!" at sinapak ko pa siya ulit ng sobrang lakas.

"Tara na, Victor." sabi ko at nauna ng umalis.

Dire-diretso lang ang lakad ko pabalik ng hotel. Ramdam ko pa rin ang nginig sa buong katawan ko dahil sa galit.

Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nakita ko pa ulit si Kim.

"Love, wait." rinig kong habol sa akin ni Victor pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang ang lakad ko.

Nakarating na kami sa hotel at imbis na sa restaurant ako pumunta ay dumiretso ako paakyat sa kwarto namin. Wala akong gana ngayon.

"Love, where are you going? Kakain na tayo!" habol pa rin sa akin ni Victor.

Dali-dali akong pumasok ng kwarto namin, dumiretso ako sa ka at dumapa. Ramdam ko din ang pagsunod ni Victor sa akin.

"Love..." tawag niya.

"Love, galit ka ba sa akin?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot.

Naiiyak ako.

"Love, hindi naman ako nagloko e. Bigla na lang niya akong hinalikan. Sabi pa niya iwan na rin kita pero sabi ko hindi ko gagawin yun dahil mahal na mahal kita." paliwang pa niya.

"Love, I love you. Pansinin mo naman ako oh." paglalambing pa niya.

Bumangon ako at inayos ang sarili ko para harapin siya.

"Okay lang, love. Narinig ko lahat. Hindi ako galit sayo, wala kang kasalanan." naka-ngiting saad ko.

Niyakap naman niya ako at niyakap ko rin siya.

"Sorry, love. Promise iiwasan ko na si Kim, hindi ko na siya papansinin." sabi niya habang nakayakap sa akin at hinalikan pa ang ulo ko.

"It's okay, love. Malandi lang talaga si Kim at desperada." sagot ko.

"I love you, love. Ikaw lang talaga, loyal ako sayo. Promise." sabi pa niya.

Napangiti naman ako at hinarap siya.

"Talaga?" naka-pout kong tanong.

"Oo naman." sagot niya at hinalikan ako sa noo.

"I love you, love." naka-ngiting sabi ko.

"I love you, too, love. Always and forever." naka-ngiting sagot niya.

He kissed me at my lips and I kissed kim back.

Our love was seal with the kiss, together and for lifetime.

* * *

End of Special Chapter.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon