Chapter Twenty Four

1.1K 22 0
                                    

"Good Afternoon, ma'am! Excuse lang po kay Rofe, may meeting po kaming mga Student Council ngayon e."

Nasa kalagitnaan kami ng pag-kaklase nang bigla akong inexcuse ni Ate Sy, yung P.I.O ng Student Council namin.

"Okay, you may go now, Rofe." sang-ayon ng teacher namin at lumabas na ako.

"Punta ka na sa Deans of Students Affairs Office, tawagin ko lang yung iba." paalam niya.

Tumango naman ako at tumungo na sa DSA Office.

Pagkarating ko dun, halos andun na ang lahat, yung nga officers na lang sa building namin ang wala.

Nang ma-kompleto kami ay nagsimula na ang meeting.

"Okay. So, Good Afternoon officers! We are all here to talk about the upcoming Christmas Ball. Everything was planned na, we just need to prepare na lang." panimula ni Madame.

"Our Christmas Ball will be on December 17, at exactly 7:00P.M. It will be held at Legacy Hotel, Convention Hall. Wear your best!" patuloy pa niya, at halos lahat kami ay na-excite dun.

"So, we need to settle for the needs. Here is the list and I will discuss each of them...."

Pinaliwanag na niya ang magiging flow ng party, mga kailangan at kung magkano ang lahat na magagastos.

Nag-assign na rin siya kung sino ang nga gagawa ng bagay na yun.

Pagkatapos ipaliwanag lahat ay natapos na rin ang meeting.

Bumalik na ako sa classroom ko dahil abot pa ako sa last subject.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako.

Natanaw ko si Victor na naghihintay sa may gate kaya nilapitan ko agad siya.

"Hey," bungad ko.

"Yow, tapos na klase mo?" bati niya.

"Oo, uwi kana?"

"Oo, hinintay lang kita."

"Ayieee, ang sweet ha."

Lumbas na kami ng school at dumiretso sa sakayan namin.

"May Christmas Ball tayo," sambit ko habang nasa byahe.

"O? Kelan daw?"

"December 17."

"Wow, sakto sa birthday ko ha."

Dahil sa sinabi niya, saka ko lang naalala. Birthday nga pala niya sa December 17. Shocks! Bakit nakalimutan ko yun?

"Oo nga pala no." sambit ko pa.

"San daw ang ganap?" tanong pa niya.

"Legacy Hotel, Convention Center. Wear your best ang attire." paliwanag ko.

"Anong isusuot mo?" tanong niya.

"Di ko pa alam e." sagot ko.

"Sige, sabihan mo na lang ako para pair tayo."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Nakangiti lang naman siya sa akin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba na rin kami ng van. At tulad ng dati, hinatid niya ako hanggang bahay.

"I promise, that Christmas Ball will be the memorable night for the two of us." biglang sabi niya.

Nagtaka naman ako, bakit? Sasagutin na ba niya ako? Magiging kami na ba?

Well, birthday niya nun, baka may pakulo siya.

"Goodnight, Caira."

Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa mga noo ko bago siya tumalikod.

"Goodnight, Victor." sambit ko.

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Goodnight, Caira. Parang sirang plaka na nagpa-ulit-ulit sa tainga ko yung sinabi niya.

Unang beses niya akong tinawag sa pangalan ko.

Kahit hindi Rofe. Atleast, tinawag niya ako sa pangalan ko.

At anong yung ibig sabihin niya sa; I promise, that Christmas Ball will be the memorable night for the two of us?

Kung about sa birthday niya yun, bakit 'us'?

* * *

A/N: Halaaa. Ano kayang mangyayari sa Christmas Ball? OMG. Maging sila na kaya? Ewan ko din e, tanongin niyo si Victor. Hahaha!

Anyways, baka hanggang 30 chapters lang ito guys. Naka-save na sa draft ko ang ending nito. Hohoho! Pero depende pa rin kina Rofe at Victor, hahaha! Kaya mag-comment kayo!

#91 IN HUMOR na ang Chasing my Crush! And Happy 2.1k reads!

Salamat sa mga sumusporta at nagtyatyagang magbasa! ;)

P.S: Pampabitin muna! Bwahahaha, love u guys! Leave a comment! Mua. Mua.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon