Chapter Twenty One

1.2K 28 3
                                    


"San mo na gusto pumunta?" tanong niya nung palabas na kami ng playzone.

Bago pa kami tuluyang lumabas may naisip naman akong challege para sa kanya.

"Ay wait, balik tayo. May gagawin ka." sabi ko at hinila siya pabalik ng playzone.

"May natira ka pang token diba?" tanong ko, sa sobrang dami kasi nung token na pinapalit niya, kahit nilaro namin lahat may natira pa din.

"Meron pa." sagot niya.

"Okay, tara!" dinala ko siya sa toy catcher.

"Ikuha mo ako niyan, si Stitch, please?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "okay, sabi mo e."

Nagsimula na siyang maglaro, nakaka-tatlong attempt na siya kaso wala. Laging nahuhulog yung stuff toy.

"Tara na, mahirap yan e." yaya ko sa kanya nung naka-limang attempt na siya.

"Hindi yan, makukuha ko ito. Wait lang." pigil niya.

Ang sweet nitong lalaking ito.

Hinayaan ko siyang maglaro dun. Tumingin-tingin ako sa paligid, at as usual, nakatingin kay Victor ang mga babae. Ugh! Sarap dukutin ng mga mata e.

"Yeees! Nakuha ko na!" napatingin ako s akanya nung sumigaw siya.

"Nakuha ko na si Stitch mo!" masayang sabi niya sa akin.

Yung inis ko kanina sa mga babae napalitan na naman ng kilig!

"Wow! Thank youuu!" sabi ko habang nakatingin dun sa kalalavas lang na maliit na Stitch sa machine.

Kinuha niya yun at binigay sa akin ng naka-ngiti. "Ayan na, masaya ka na?"

"Yieee, oo naman! salamat!" gusto ko siyang yakapin, kaso nahihiya ako.

Pagkatapos ng moment namin dun ay lumabas na kami ng tuluyan sa playzone.

"12:24 na pala. San mo gusto kumain?" tanong niya.

"Ikaw bahala, kahit saan."

"McDo tayo, gusto mo?"

"Sureee!"

Pumunta na kami sa McDo at pagkadating dun siya na ang pumila para umorder habang humanap naman ako ng ma-uupuan namin.

Dahil pangatlo pa siya sa pila, kinuha ko muna yung phone ko at pinicturan siya.

Actually, kanina ko pa siya palihim na pini-picturan sa playzone, mamaya ko na lang ito ipopost lahat.

Nag-scroll muna ako sa IG at nakita kong may mga notification ako, tiningnan ko lang yung mga yun pero hindi ko binuksan, isa lang ang binuksan kong notif.

VictorJP mentioned you.

Pagbukas ko, nakita ko yung sarili ko nung sumasayaw sa dance revo, may caption na; my dancing queen @rcairab

Napangiti naman ako dun, grabe talaga ang kasweetan nitong lalaking ito.

Kunti na lang, sasagutin na ako nito. Kunti na lang, magiging kami na.

"One chicken fillet ala king, one french fries, one coke, and one Mcflurry for you." natatawa ako habang iniisa-isa niya yung mga inorder niya para sa akin habang nilalapag sa harapan ko.

"Wow, ang dami naman. Baka tumaba ako niyan ha?" biro ko.

"Dati ka ng mataba." parang wala lang na sabi niya.

Aba aba. Dumali na naman itong lalaking to.

"Asa ka naman!" singhal ko.

Natawa lang siya at nagsimula ng kumain kaya kumain na din ako.

Habang umiinom ako ng coke ay nakita kong may kanin sa pisnge niya. Ang amos din nitong lalaking ito.

Tinanggal ko yun at napatingin siya sa akin, nginitian ko lang siya kaya ngumiti din siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Kakatapos ko lang kumain, naubos ko na din yung mcflurry kaya fries naman ang nilalantakan ko ngayon. Habang siya ay kumakain naman ng burger na McSpicy.

May sauce naman na naiwan sa gilid ng labi niya kaya pinahid ko yun gamit ang mga daliri ko.

"Ang amos mo." natatawang sabi ko.

Nginitian lang naman niya ako. Ngiti lang niya sobrang kinikilig na ako.

"Sine tayo, gusto mo?" tanong niya nung naglilibot-libot kami sa mall.

"Tara. Anong showing?" tanong ko.

"Unite the League, gusto mo nun?"

"Sige, tara."

Hindi naman ako mahilig masyado sa mga ganung movies, pero nanunuod ako nun. Ang ganda rin kasi e.

Pumunta na kami sa Cinema at bumili ng ticket, bago tuluyang pumasok ay bumili muna siya ng Star frappe, fries at nachos, baon daw namin sa loob kung sakaling gutumin.

Ang thoughtful talaga nitong lalaking ito. Sobrang swerte ko kung maging boyfriend ko siya.

Naghanap na kami ng pwesto pagkapasok sa loob ng sinehan. Pumwesto kami sa gitna, kaunti lang ang nanunuod ngayon. Hindi naman kasi blockbuster ang palabas e.

Nagsimula na ang movie at nanuod na lang kami habang kumakain.

Gusto kong mag-picture kami. Wala pa kasi kaming picture magkasama e, puro stolen! Hahaha.

Kinuha ko yung cellphone ko at lumapit ako sa kanya para bumulong.

"Vic, picture tayo."

Pumayag naman siya agad, buti na lang. Akala ko pipilitin ko pa e.

Unang picture ay parehas lang kaming nakangiti, pangalawa ay naka-wacky na.

"Isa pa," suhestiyon niya pa.

Bago ko pa ma-click ay kumapit na siya sa akin at umakbay. Hindi pa nakuntento at nilapit pa niya yung mukha niya sa mukha ko. Cinapture ko na habang ganun ang pwesto niya.

Isang click ko pa ay hinarap niya ang mukha niya sa pisnge ko. Ang posisyon ay parang inaamoy niya ako.

"Last na, isa pa." sabi pa niya nung ibaba ko na sana yung phone ko.

At dahil gusto niya ng isa pa ay pinagbigyan ko siya.

Nagulat na lang ako nung pinulupot niya pa yung isang braso niya sa tiyan ko at sinubsob ang mukha niya sa leeg, nakayakap na siya sa akin. Kitang-kita sa buong camera ko.

Cinapture ko ng tatlong beses habang nasa ganung posisyon kami.

Kahit ibinaba ko na yung cellphone ko ay ganun pa rin ang posisyon namin.

My god! Kinikilig ako!

Hindi ko alam na ganito pala ka-clingy si Victor.

Shocks! Victor, sagutin mo na ako!

* * *

A/N: Ayan na ang dalawang update guys! Sorry kung natagalan, kakatapos lang ng finals namin e. Sana kiligin kayo! Hahaha

Anyways, #115 IN HUMOR na ang Chasing my Crush, push natin to! Happy 1.85k, yeheeey! Mag-vote at comment kayo please!? Gusto ko magbasa ng comments!

MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA! Mua!

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon