Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Pocket Money

21K 62 0
                                        

Pocket money
Sa panulat ni Jc Magtalas

"Lhia, Huwag na huwag mong kakalimutan ang pasalubong ko ha. Limang balot ng tsokolate at apat na lotion," bilin ni Andrea sa  kaniyang kaibigan.

Magtutungo na ito sa ibang bansa upang doon ay  magbakasyon. Magsaya at magpaginhawa.

"Ako rin, Lhia. Huwag mong kalilimutan ang ipinangako mong rubber shoes," dagdag naman ni Joshua.

Abot langit ang sayang nadarama ni Lhia sapagkat suportado siya ng mga kaibigan sa pag-alis nito, kahit hindi siya pinayagan ng kaniyang ama.

"Tara  na, Lhia," aya sa kaniya ni Jan.
Tuluyan nang umalis ang dalawa.

"Kumpleto ang baon ko at may limang libo pang pambili ng pasalubong." Halos mapunit ang mukha ng dalaga habang pinagmamasdan  ang laman ng pitaka ng kanyang naiwang mga kaibigan.

Sisid (Dagli) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon