Ang higit nakakatakot sa nakakatakot
Sa panulat ni Jc MagtalasHindi ko mabuksan ang pintuan ng kwarto kaya kumuha ako ng martilyo para pwersahang sirain ang seradura nito. Bumungad sa akin ang maduming salas. Nagkalat ang mga gamit na animo'y pinaghahalungkat. May mga kutson ng upuan sa sahig, basag na telebisyon at tabi-tabinging silya.
Madudulas na sana ako sa hagdan kung hindi ko pa napansin ang dugong nakatapon lamang sa ilang parte nito. Nagtaasan na ang mga balahibo ko, ramdam ko na din ang kung anong bagay na nakabara sa aking lalamunan. Nanginginig ako sa takot habang iniisip ang isa sa pinakamasamang balita sa buhay ko.
Dito ay kita ko na ang kalagitnaan ng hagdan patungo sa aking silid. Maayos ang mga gamit dito pero unti-unting dumidilim ang paligid. Nagbabago ang anyo ng mga bagay sa aking mata, tila gusto kong kitilin ang sarili kong buhay na parang isang sumpa. Pinagpatuloy ko ang pag-akyat at tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama. Tumingin ako sa kisame at nakakabiglang mabasa ko ang pinakanakakatakot na mensahe.
Mahal, ang unang salitang iyong nabasa kasabay ng pangalawang salita sa kasunod na talata ay idudugtong ko sa ikatlong salita sa ikatlong talata at ang unang binasa sa aking mensahe ang siyang nakasulat sa iyong kisame.
BINABASA MO ANG
Sisid (Dagli)
Short StoryHanda ka na ba? Gusto mo ba matikman ang laman ko? Dapat lang, buksan mo ako. Subukan mo munang titigan, nang walang mawaglit sa iyong isipan. Hindi mo man agad maintindihan ang bawat iuungol ko, pero sisiguraduhin kong pag naging maayos ang pa...