Hindi bibitaw

1K 8 1
                                    

Hindi bibitaw

Sa panulat ni Jejeng Makata

"Huwag mo na uulitin iyon. Hindi ko kaya nang wala ka, Gail," sambit pa ng dalaga sa kaniyang nobya. Tanghaling tapat no'n pero may kung anong lamig na naramdaman si Len. Maalinsangan pero imbes na pawis ay ibang tubig ang dapat niyang punasan. 

"Pangako. Hindi na ako makikipaghiwalay pa. Lahat naman tayo dumarating sa punto na parang gusto nating sumuko sa relasyon, kasi hindi palaging masaya. Hindi ba? Kaya sa oras na nandoon ka, hindi rin ako papayag. Hindi ako bibitaw,  kagaya nitong ginawa mo sa akin," sagot naman sa kaniya ni Gail.

Bahagyang ngumiti si Len at tinanaw ang babaeng nasa harapan niya. Ang kasama niya sa mga lungkot at saya. Dalawang taon.

"Uy!" Napalingon siya sa gilid nang maramdaman ang tapik. 

"Uy Jen! Kumusta?" Bati niya rito. 

"Okay naman ako! E ikaw ba?" Tugon sa kaniya nito at sabay umupo sa upuan sa kaniyang harapan para makipagkwentuhan. 

Sisid (Dagli) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon