Mataas ang ilong, malaki ang mata, may kaitiman ang labi at payat ang pangangatawan. Hindi siya kagandahan sa paningin ko. Tila lahat ng mga kapintasan ay gusto kong isampal sa kaniya.
Sa kabila nang nakikita ko sa kaniya, bakit nagagawa niyang manakit ng iba gamit ang matatalim niyang dila?
Madalas ay nadidinig ko siyang tinatawag na nognog ang isang babae sa klasrum. Minsan naman ay nakikita ko kung paano niya pagtawanan ang matabang tigalinis sa isang restawran.Sa tinagal ng panahon, ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na ito sa kaniya. Mabilis manlait pero laging nakapikit sa tuwing dapat niyang makita ang katotohanan. Sa sobrang inis ko sa pagtingin sa kabuuang pigura niya ay isinukbit ko na lamang ang aking bag at nilisan ang silid.
Bago pa ako tuluyang makalabas ay bumalik ako at pinasadahang muli ng tingin ang aking sarili. Wala namang perpektong tao. Walang may dapat na tumanggap ng maling pagtrato.
BINABASA MO ANG
Sisid (Dagli)
Short StoryHanda ka na ba? Gusto mo ba matikman ang laman ko? Dapat lang, buksan mo ako. Subukan mo munang titigan, nang walang mawaglit sa iyong isipan. Hindi mo man agad maintindihan ang bawat iuungol ko, pero sisiguraduhin kong pag naging maayos ang pa...