Live in

1.7K 14 1
                                    

Live-in
Sa panulat ni: Jejeng Makata

Ngayong binata na ako ay nakipaglive-in na ako kay Samantha. Nakatira kami sa isang condominium unit na isang bedroom lamang...kung kaya't magkatabi kami matulog. Gabi-gabi kung may mangyari sa amin, maliban na lamang kung pagod ako at pagod din siyang uuwi mula sa trabaho.

Pag-uwi ko ng bahay ay nakita kong nanonood si Samantha ng TV sa salas. Binati ko lamang siya at nagsimula na akong dumiretso sa kwarto upang matulog, hanggang sa mamalayan ko na lamang na naalimpungatan na pala ako sa pangangalabit niya. Wala ako sa wisyo para idilat ang mata ko at punan ang pagnanasang mayroon siya ngayon, kaya ang tanging binubuga na lamang ng bibig ko ay ang mga salitang...

"Ano ba? Huwag ngayon, pagod ako, Hon."

Ilang beses ko iyon inulit pero hindi siya nakinig. Lalo akong tumalikod sa kaniya para naman makaramdam siya. Pero mapilit ito at hinatak niya pa ang kumot ko.

"Hon naman e!" Inis na baling ko sa kaniya. Lumapit pa ang mga bunganga niya sa aking tainga, hanggang sa mahina siyang tumawa na parang nang-aasar. Pero kahit pa gano'n ay hindi ako nagpadala. Bago ako pumikit ay muli kong sinabing...

"Hon, pagod ako please?"

Ilang oras ang lumipas at muli akong naalimpungatan sa tunog ng aking cellphone. Agad ko itong kinuha mula sa pagkakapatong sa side table.

"Hello?" tanong ko,

"Hon, sorry nalate ako ng uwi...pakibukas yung pinto."

Sisid (Dagli) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon