Ang masayang alis ni Melissa
Sa panulat ni: Jc Magtalas"Tignan mo si Melissa o' asensado na ang buhay, pupunta na ng Saudi, makakapag-ipon ng pera at makakapagpadala ng madaming masarap na tsokolate," masayang sambit ng isa sa mga kapitbahay namin.
Kinuha ko na ang maleta at isinakay sa sasakyan. Naroon na rin ang aking mga anak sa loob, handa na upang ihatid ako. Sobrang nalulugod ang bawat isa at matatapakan ko na ang unang hakbang patungo sa maganda naming buhay.
Ilang oras din ang tinagal ng aming biyahe patungo sa paliparan.
"Mama, hubadin mo na ang jacket mo pagdating mo po doon, dahil mainit ang klima ngayon."
"Mag-ingat ka ma, mamimiss ka namin."
"Mama, huwag mo kaliliimutan 'yung laruang pinapabili ni Botsok. Mura lang daw iyon doon e'."
Ilan sa mga bilin ng aking pamilya. Lahat kami'y nakangiti at dahil doon ay masaya akong umalis ng bansa at lumapag ang eroplano bitbit ang hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Pinunasan ko na lamang ang biglaang pagpatak ng aking luha.
Ang pakiramdam na ito. Malamig ang salubong kumpara sa inaasahan kong init.
BINABASA MO ANG
Sisid (Dagli)
Historia CortaHanda ka na ba? Gusto mo ba matikman ang laman ko? Dapat lang, buksan mo ako. Subukan mo munang titigan, nang walang mawaglit sa iyong isipan. Hindi mo man agad maintindihan ang bawat iuungol ko, pero sisiguraduhin kong pag naging maayos ang pa...