Pumapag-ibig

2.8K 8 1
                                    

Pumapag-ibig
Sa panulat ni Jc Magtalas

Dumating na siya.
Unti-unti ang paglakad niya mula sa malayo.

Nang makalapit ay agad na halik sa pisngi ang ginawad niya. Abot-langit ang kilig ko nang mapansin ang bitbit nitong bulaklak at tsokolote.

Oo na, ang sweet ngang isipin! Iniabot niya na ang bulaklak at mabilis siyang nanggulo ng buhok pagkatapos nitong mapansin ang pamumula ng pisngi ng kaharap niyang babae.

Sino ba namang nilalang ang hindi kikiligin sa mga ginagawa niya?
Napangiti na lamang ako nang umalis na ang dalawa sa aking gilid.

Sisid (Dagli) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon