Bisperas ng pasko na naman at heto kami ng kapatid kong si Kael, naghihintay sa mga pinsan naming lagi na lang late. Ganito lagi ang scenario namin taon-taon. Nakaugalian na rin kasi naming magpi-pinsan na sabay-sabay dumalo sa huling araw ng simbang gabi. Nagtataka siguro kayo kung bakit huling gabi, eto lang kasi ang araw na kumpleto kami. Sa ibang bayan kasi nagtra-trabaho ang iba sa amin kaya 'di namin magawang ma-kumpleto.
Naramdaman ko ang biglang pag-vibrate ng cell phone ko, akala ko naman isa na sa mga pinsan ko ang tumatawag, 'yon pala si Liza lang. Kinancel ko ang tawag niya saka siya itinext. Matagal pa naman bago magsimula ang simba kaya pwede pa akong makipag-kulitan sa text.
"Ate..." Napalingon ako kay Kael. "Nasaan na raw sila Ate Cami?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. I-text mo nga sila." Saad ko nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng cell phone ko.
"Iniwan ko ang cellphone ko. Ikaw na lang." Napalingon ako kay Kael at ang magaling kong kapatid naglalaro sa Switch niya.
Napailing na lang ako. Hindi na talaga nahiwalay sa kapatid ko ang laruang 'yan, simula noong bilhan siya nila Mommy. Kaysa makipagtalo ay ako na lang ang nag-text sa mga pinsan ko dilang ako na rin ang nakalabas ang cellphone.
Tumipa ako ng mensahe. Sinabi ko na rin na nasa parking lot pa rin kami at naghihintay sa kanila. Pagkatapos kong ma-send ang message ko sa mga pinsan ko ay nagulat ako nang biglang rumehistro ang pangalan niya.
Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking 'to?
"Kael, labas lang ako." Itinuro ko ang hawak kong cellphone. Kunot-noo'ng napatango naman ang kapatid ko sa akin.
Paglabas ng sasakyan ay agad-agad kong sinagot ang tawag.
"Ano na naman?!" Pagalit kong sabi sa nasa kabilang linya.
'Grabe ganyan na pala ang bagong paraan ng pag-hello sa telepono.' Umikot yata hanggang sa likod ng ulo ko ang mga mata ko nang marinig ko ang tawa niya.
"Pwede ba, Cyrus, tigil-tigilan mo muna ako kahit ngayon lang. Ayokong masira ang araw ko, paskong-pasko."
'Fine, fine. Ikaw 'tong mainit agad ang ulo.'
Napahinga ako ng malalim. Kahit kailan talaga wala ng ginawang ikatutuwa ko ang lalaking 'to. Kung hindi laging nakabuntot sa akin sa eskwelahan ay lagi naman akong iniinis sa social media o kaya sa text at tawag. Hobby yata nito ang inisin ako.
'Nasa simbahan ka na ba?' Kumunot ang noo ko at napalingon-lingon sa paligid. 'May ibibigay sana kasi ako sa'yo bago ako umalis.'
Anong ibig sabihin niyang aalis? Sabagay bakasyon pa naman hanggang mid-January. Wala naman sigurong mawawala sa akin kung hindi ko siya susungitan kahit ngayon. Pasko naman, e. Tumikhim muna ako bago muling nagsalita.
"Yeah, nasa simbahan na ako. Hinihintay ko lang sila, Ate."
'Okay. See you later then.'
Pumasok akong muli sa sasakyan pagkatapos ng tawag. Ano naman kayang ibibigay sa akin ng lalaking 'yon? Siguraduhin lang nang isang 'yon na hindi na naman 'to prank at talagang tutuluyan ko siya.
"Sinong kinausap mo sa telepono, Ate?" Binigyan ako ng nagtatakang tingin ng kapatid ko. "Kailangan talaga lumabas pa ng sasakyan."
"Si Cyrus." Binigyan ako ng makahalugang tingin ng kapatid ko pero 'di ko na lang pinansin. Madalas kasi niya akong kay Cyrus. Kesyo may gusto raw sa akin ang huli kaya laging nagpapa-pansin sa akin.
Naramdaman ko ang muling pag-vibrate ng cellphone ko. Akala ko ay ang ungas na namang 'yon ang tumatawag pero pangalan ni ate Cami ang nasa screen.
BINABASA MO ANG
Scribbled Metaphors
Short StoryPages covered with random scribbles that may or may not entertain you. Technically, a collection of one-shot stories.