ⅱ.

31 8 7
                                    

Entry to RomancePH's Love Wave: Season of Love and Romance

Prompt #1: Kawalan

Masaya na sana ang bakasyon niyo nang masiraan kayo ng sasakyan ng best friend mo. Pilit ka mang tumawag ng tulong, bukod sa nasiraan kayo sa gitna ng kawalan, wala pang signal! Nagulat ka na lang ng may tumakip ng mga mata mo."I love you," sabi ng best friend mo at nang muli mong pagmulat, naroon na ang iyong mga magulang na nakangiti sa inyong dalawa.


❄ ❄ ❄ ❄ ❄ 

Hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko habang kinukuhanan ng litrato ang mga tao'ng enjoy na enjoy mag-tampisaw sa dagat. Simula kaninang dumating kami rito sa beach resort ay andito na ako sa tabing-dagat. Summer is ending at napag-pasyahan naming magba-barkada na humirit pa ng isang outing bago ulit mag-simula ang klase.

"Nao!" Napalingon ako nang marinig ang pangalan ko at mas lalong lumuwag ang ngiti ko ng makita si Andrew, ang best friend ko. 

Here it comes again, the familiar warmth I feel every time I see him. I know what this feeling is, and I know that it's best kept hidden, because I know that it won't be returned. Alam ko namang nagkakamabutihan sila ni Carmi, at ayokong maging hadlang sa kanilang dalawa.

Kumaway ako kay Andrew at nakita ko naman ang paglakad niya papalapit sa nasa kung saan ako.

"Kakain na, kanina ka pa hinahanap nila Alexie at Carmi," saad nito nang makalapit sa akin.

"Alright, just a few more shots and susunod na ako," nakangiting sagot ko saka muling bumalik sa likod ng camera, pero bago ko pa man mapindot ang shutter button ay nawala na ito sa kamay ko.

"Hey! Give it back, Drew!" kunot-noo'ng baling ko sa lalaking nakatayo sa tabi ko.

"You've been hiding behind your camera ever since we got here, Naomi. I thought we're going to enjoy this outing together?"

Humalukipkip ako at sumimangot. Sinabi ko nga 'yon nang huli kaming mag-usap two days ago. But what can I do? I can't really resist a good view. Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya nang hindi pa rin ako nag-salita.

"I'll give your camera back after we eat. Don't hide behind the lenses just like what you did at Maldives."

"Fine." Ano pa nga ba ang magagawa ko? Bukod sa parents ko, si Andrew lang ang 'di ko kayang tanggihan sa mga bagay-bagay. Tumayo na ako at pinag-pag ang mga buhanging kumapit sa suot kong shorts.

'Bakit nga ba hindi ako makatanggi sa lalaking 'to?' tanong ko sa isip habang pinagmamasdan ang matipuno nitong likuran.

We've been friends since childhood. He's my seatmate when we're in nursery. He's always been my protector, my guardian back then, since lapitin ako ng mga bully dahil na rin napaka-mahiyain at timid ko noon. Well, hanggang ngayon naman ganoon pa rin siya akin kahit pa na-overcome ko na ang pagiging mahiyain ko.

Muli akong napatingin sa kaniya and unconsciously, snapped a picture of his retreating back using my smart phone. Tiningnan ko ang kuha ko at napangiti. May idadagdag na naman ako sa collage wall sa kwarto ko. Halos lahat ng picture namin tuwing nagba-bakasyon kami ay linalagay ko roon. Syempre, pati mga shots na kasama ko si Drew.

Scribbled MetaphorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon