Ang boring...
Gusto kong lumabas pero as usual tinatamad na naman ako. Nagsawa na ako sa kakalipat ng mga channels sa TV. Pare-pareho lang naman kasi ang mga palabas, minsan nga replay pa. Kaumay. Napatingin ako sa laptop ko na nakabukas lang. Nakatingin sa akin si Theo James na parang inaakit ako. Ang gwapo talaga, kainis. Napailing ako saka isinara ang laptop ko.
Ano bang magadang gawin?
"Argh!" Sigaw ko habang nakalubog ang mukha ko sa unan.
Saktong pagkasabi ko n'yan ay biglang kumalabog ang pinto ng kwarto ko sabay,
"Joey!" Hindi na talaga natutong kumatok ang babaeng 'to. Lagi na lang sumusulpot dito sa bahay.
"Uso ang kumatok, Krisha!" Binato ko sa kanya ang unang hawak ko. Ang kaso nakailag siya, kaya naman 'yung nasa likuran niya ang natamaan ko.
"Ba't ka umilag, Krisha!" Tumambad sa akin ang nakakunot-noo'ng si Keiko, kapatid ni Krisha. Kung nagtataka kayo, mga pinsan ko po sila na nakatira sa bahay sa tapat namin.
"S'yempre babatuhin ako ni Joey. Alangan namang saluhin ko? Ano ako tanga?" Krisha stick her tongue at Keiko. Mahinang binatukan naman siya nang huli.
I rolled my eyes nang magsimula silang magbangayan. Dito pa talaga nila napiling mag-away.
"Bakit ba nandito kayo?" Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama. Sabay naman silang napatingin sa akin. Hawak ni Krisha ang buhok ni Keiko samantalang kinukurot naman ni Keiko ang pisngi ni Krisha. Kung makikita niyo lang silang dalawa siguradong matatawa kayo pero dahil sanay na ako sa kanila, parang wala na lang.
"Oh yes!" Humiwalay si Krisha kay Keiko at patalon na sumampa sa kama ko. Napaka-kulit talaga ng babaeng 'to. Parang hindi disiotso anyos kung kumilos. "Nag-aaya kasi si Charlie na mag-foodtrip doon sa may night market sa plaza. His treat kasi pinayagan na daw s'yang manligaw ng crush n'ya."
"Ayoko. Tinatamad akong lumabas." Bumalik ako sa pagkakadapa. Kahit bored ako, tinatamad pa rin akong lumabas at gumawa ng kung ano-ano. Oh 'diba? Ang extreme lang nang katamaran ko?
"Eh! Sige na, Joey! 'Di ka na namin nakakasama sa mga gala dahil d'yan sa katamaran mo, e!" Yinugyog ako ni Krisha. Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko baka nasabunutan ko na rin 'to. "Please, Joey! Please! Please! Please!"
I groaned saka nagtakip ng unan sa ulo. Napaka-kulit.
"You know that won't work with Krisha, Joey." Narinig kong sabi ni Keiko. Damn. I know.
Mas lalo lang akong kinulit ni Krisha nang magtakip ako ng unan sa mukha. Malapit na akong mapikon kaya naman bago pa mapigtas ang pisi ng pagtitimpi ko, pumayag na lang ako.
"Fine! Just get the hell away from me, Krisha. Please lang!" I glared at her pero she just grinned at me. Victory is plastered all over her face.
"Yes! Told you she can't resist me." She sticked her tongue to Keiko, who just rolled her eyes in answer. Minsan napapaisip ako kung paano nila itrato ang isa't-isa kapag nandun sila sa bahay nila. For sure Tita Katherine won't allow them to bicker with each other.
"Hihintayin ka namin sa living room. Shane and Dan is coming with us. Kaya dalian mo!" Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto.
"Minsan nga turukan mo ng pampakalma 'yang kapatid mo," Sabi ko kay Keiko sabay kuha sa tuwalya kong nakapatong sa may single sofa na nasa gilid ng kama ko.
"As if naman tatablan pa 'yun ng gamot. Sige na, mag-prepare ka na. Bilisan mo bago nila maubos 'yung cookies at chocolates na nasa kusina niyo." I rolled my eyes. As if naman I care, kahit ubusin nila 'yun ok lang sa'kin.
BINABASA MO ANG
Scribbled Metaphors
Short StoryPages covered with random scribbles that may or may not entertain you. Technically, a collection of one-shot stories.