Happy birthday to you...
Happy birthday to you...
Happy birthday...
Happy birthday...
Happy birthday Hayley...
"Blow the candle na, Hay!" Excited na sabi ni Jayne, isa sa mga kaibigan ko.
Pumikit ako at ibinulong ang wish ko saka nakangiting hinipan ang mga kandila na nasa cake.
Narinig kong pumalakpak ang mga bisita ko. 'Yong iba naman nginitian ako.
"Happy birthday, hija." Bati sa akin ni daddy sabay halik sa noo ko.
"Thanks dad!" Yumakap ako sa kanya, pakiramdam ko any moment iiyak ako.
Sobrang saya ko kasi 'di ko inaakala na makakauwi siya para sa birthday ko. Sa Singapore kasi nagtra-trabaho si Daddy and every two years ang uwi n'ya. Sakto namang natapat sa birthday ko ang uwi niya this year.
"Kayong dalawa d'yan, tama na muna ang drama. Kumain muna tayo." Pukaw ni Mommy sa amin. Nakatinginan muna kami ni Daddy bago tumawa ng marahan. Panira talaga ng moment si Mommy minsan.
"Happy birthday Hay-hay!" Napangiti ako sa bati ni Katie sa'kin, isa sa mga kaibigan kong nandito ngayon.
"May gift kami sayo na siguradong magugustuhan mo." Sabat naman ni Jayne habang nakaakbay kay Ali na kunot ang noo. Buti nga hindi naapektuhan ang ganda nito kahit laging nakakunot ang noo.
"Bitawan mo nga ako, Jayne." Natawa ako nang tanggalin ni Ali ang kamay ni Jayne sa balikat niya. "Pero I agree with this two na magugustuhan mo 'yong regalo namin."
Tumaas ang kilay ko nang biglang ngumiti si Ali, which is quite rare. Minsan nga linoloko namin siya na baka ginto ang ngiti n'ya kasi madalang lang namin makita.
"O-okay... Bakit parang kinabahan ako sa mga mukha n'yo?" Para kasing kumikinang ang mga mata nila. Well, 'di na 'yun bago kina Jayne at Katie pero si Ali? Nakakapagtaka at the same time nakaka-kaba.
"Kinakabahan ka d'yan. If I know excited ka lang, Hayley." Inakbayan ako ni Jayne. "Pero syempre mas masaya kung kakain muna tayo. Nakakagutom ang mga handa mo, e."
Natatawang napailing na lang ako kay Jayne. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to.
"Patay gutom ka talaga kahit kailan, Jayne." Napatingin ako kay Ali na nakasunod sa amin habang papunta kami sa dining room.
"Nagsalita ang hindi." Natawa na lang ako nang batukan ni Ali si Jayne. Kahit kailan talaga kapag nagsama ang dalawang 'to kailangan laging may referee.
"Katie." Tumingin ako kay Katie na nasa tabi ko.
"Fine. Pagbibigyan kita kasi birthday mo." Narinig ko ang marahang 'hmp' niya bago sinundan si Ali at Jayne na parang mga batang tumakbo palabas sa veranda.
Ako o si Katie lang kasi ang referee ng dalawang 'yon. At madalas na may nangyayaring 'di maganda kapag nagsimula silang maghabulan.
Sinabihan ko na lang si Manang Ising na magdala ng pagkain sa veranda kasi alam kong nasa garden si Ali at Jayne. Naririnig ko kasi ang sigaw ni Katie mula roon, e. Natawa pa nga ako nang tanungin ako ni Mommy kung ayos lang daw ba sila. Kung alam lang niya, ganyan lagi si Ali at Jayne sa university.
Kasalukuyan na kaming nasa veranda at kumakain. Napapailing na lang ako dahil hanggang ngayon nagbabangayan pa rin si Ali at Jayne. 'Di na talaga nagsawa 'tong dalawang 'to.
BINABASA MO ANG
Scribbled Metaphors
Short StoryPages covered with random scribbles that may or may not entertain you. Technically, a collection of one-shot stories.