ⅳ.

32 9 7
                                    

Him.

"Lance?" Napalingon ako ng marinig ang pangalan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Natasha na nakahawak sa mga railings para suportahan ang sarili. Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo ng babae'ng 'to.

Patakbo akong pumunta sa direksyon niya para daluhan siya. "Natasha! Sinabi ko naman sa'yong h'wag kang aalis ng kwarto." Inalalayan ko siya at nakita ko ang bigla niyang pag-ngiti.

"Nababagot na ako sa kwarto. Pwede ba tayong lumabas kahit saglit lang?" Napabuntong-hininga na lang ako saka marahang tumango kahit pa hindi na niya ito nakikita.

"Sige. Pero saglit lang, okay? Kailangan mong magpahinga."

"Halos buong linggo na akong puro pahinga lang, baka forever na talaga akong magpahinga n'yan." Kunwari'y biro nito.

"Natasha!"

"Biro lang ito naman." Nagawa pa talaga niyang tumawa.

"H'wag ka na ulit magbi-biro ng ganoon. Hindi nakakatuwa."

"Oo na. Oo na."

Nagpasalamat ako sa nurse nang dalhan niya kami ng wheel chair. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kababata ko. Araw-araw ko siyang binibisita dito sa hospital. Ang totoo niyan ay parang dito na siya nakatira. Buti na lang at pag-aari nila ang hospital kung nasaan siya ngayon, kahit papaano ay maayos siyang nababantayan at naalagaan ng mga doctor at nurse.

"Ang lamig na pala dito sa labas dapat pala dinala ko 'yong jacket ko." Hinubad ko ang suot kong jacket at binalabal ito sa kanya. 

"Hala! Baka ginawin ka, Lance."

"Ayos lang ako. May makapal akong sweat shirt na suot kaya h'wag kang mag-alala."

"Okay... Salamat."

Nakita kong itinaas niya ang kanyang mga palad sa langit. "Kailan kaya ulit magsno-snow? Nami-miss ko na maglaro noon. Naalala mo pa ba nung natabunan ka ng snow kasi biglang bumagsak 'yong galing sa bubong ng bahay namin?" Napangiti ako sa sinabi niya. "Nagka-lagnat at sipon ka tuloy kinabukasan noon at 'di tayo nakapaglaro."

Biglang nag-flashback sa akin ang pangyayaring 'yon. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa elementary pa lang kami noon and that was 10 years ago. Sinugod nila ako sa hospital nang mangyari 'yon. Akala nila ay nabalian na ako o kung anuman. Luckily, wala namang findings maliban na lang ay nagka-trangkaso ako ilang araw pagkatapos ng pangyayaring 'yon.

"Malapit na ulit magka-snow kaya naman magpagaling ka na."

Nakita ko ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa labi ni Tasha at halos marinig ko ang pagkabasag ng puso ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Natawa ako ng marahan saka pinunasan ang mga traydor kong luha.

"Sana nga ay gumaling na ako..." Mahina lang ang pagkakasabi ni Tasha pero rinig na rinig ko. "Tara, pumasok na tayo at baka giniginaw ka na." 

Tumango lang ako bilang sagot kahit pa 'di na niya ito nakikita. Unti-unting lumabo ang mga mata ng dalaga simula ng mga nakaraang buwan. Inaasahan naming magiging mahirap ang pagtanggap niya dito pero nagkamali kami. Mas maluwag pa niya itong natanggap kaysa sa aming malalapit sa kanya. 

We tried to find ways to cure her blindness, but we failed. Lahat ng doctor na tumingin sa kanya ay sinabing irreversible na ito dahil na rin sa sakit ni Natasha. She has a metastatic brain tumor that is pressing on her optic nerve causing it to swell. Kaya na-apektuhan ang paningin niya. And wala kaming magawa since it's fifty-fifty for her if she undergoes surgery and some of the tumors have metastasized to other parts of her body.

Scribbled MetaphorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon