ⅶ.

100 13 26
                                    

"Sam! Teka lang!" Buset! Akala mo kung sino 'tong lalaking 'to. Wala nang ginawa kundi sirain ang araw ko. Ginawa na nga yata niyang hobby, e.

"Hoy Samantha Leigh Diaz! Sandali lang sabi!" I nearly screamed nang bigla n'yang isigaw ang kumpletong pangalan ko. He did not just do that! Isa 'yan sa mga bagay na pinakaayaw ko.

I just continued walking, ignoring him. I started my day right tapos hindi pa umaabot sa one-fourth sinira na ng balahurang lalaking 'to. Nakakainis!

"I said stop!" Napahugot ako ng malalim na hininga nang sumigaw na naman siya. Napatigil din ako sa paglalakad. At ngayon lang din ako naging aware sa mga bulungan sa paligid ko. Mga tsismoso't tsismosa nga naman.

Calm yourself, Samantha. I recited it like a mantra sa isip ko. Pero hindi umepekto, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Quotang-quota na kasi siya sa akin.

Kaya naman lumingon ako sa kanya saka siya itinuro or should I say dinuro.

"Hoy Mr. Charlie Mikhel Dela Rosa! Tigil-tigilan mo ko ah! Nakakainis ka na!" Buset! Pandagdag badtrip pa yung mahaba niyang pangalan. "You picked the wrong day para pagtripan ako! Kaya kung mahal mo pa 'yang mukha mo, lumayo-layo ka sa akin!"

Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo. Maybe you're all wondering kung anong rason at nagkakaganito ako. Flashback? Oo? Paano kung ayaw ko? Fine. Whatever. E di flashback.

* flashback *

Maganda yata ang gising ko ngayon. Halos lahat kasi ng kasambahay namin kanina ngini-ngitian ko. Weird. Madalang mangyari 'to kasi madalas kulang ako sa tulog dahil sa mga projects and stuff. At 'pag kulang ang tulog ko, asahan mong mukha akong zombie at sobrang grumpy ko pa. Kahit nga medyo traffic kanina, hindi uminit ang ulo ko. Gusto ko na tuloy kabahan.

Pagbaba ko pa lang ng kotse, ngini-ngitian na ako ng mga students. 'Yung iba pa nga ay binabati pa ako. Another rare case dahil kilala akong snob at masungit sa buong campus. Marami kasing naiinggit sa kagandahan ko. Yeah, I know nag-uumapaw ako sa self confidence kaya hindi niyo na kailangang sabihin pa sa'kin. Nakakasawa ang paulit-ulit, you know?

Papasok na ako ng department building namin. As expected, pinagtitinginan na naman ako. The difference is may mga nakairap at akala mo'y kakatayin ako kung makatingin. Mga inggitera nga naman.

"Saaaaaaaaam!" I rolled my eyes so freakin' hard, muntik nang sumakit ang ulo ko. Naramdaman kong may umakbay sa akin.

"Seriously, kailangan mo ba talagang isigaw ang pangalan ko, Maine?" Tinanggal ko ang kamay n'yang nakaakbay sa akin saka siya pinandilatan.

She's Charmaigne, isa sa mga best friend ko. The hyper and retarded one.

"What's wrong with that? Ayaw mo nun, instant publicity?" She gave me her infamous Cheshire cat grin.

"Matagal na akong sikat, Maine. 'Di mo na kailangang gawin 'yan." Tinalikuran ko na siya saka nagpatuloy maglakad papuntang first class ko.

"Hintayin mo naman ako, Saaaaam!" Huminga ako ng malalim. Maganda ang gising ko kaya 'di ko hahayaang sirain nitong si Maine ang araw ko.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Ano ba kasing ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Maine, what are you doing here ba? Sa kabila ang medical department."

"Maaga pa naman, e. Masama bang ihatid ka sa first class mo?" Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"I smell something fishy." Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Baka ikaw 'yun? Naligo ka ba?" Bigla niya akong inamoy. Jusko. Can somebody tell me why am I friends with this girl?

"Lumayo ka nga!" Tinulak ko siya nang marahan, enough para magkaroon ng space sa pagitan namin. "At naligo ako! Kadiri ka talaga, Maine!"

Scribbled MetaphorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon