Chapter 9 (It's magic)
Stef's POV
Ang saya dito sa Zambles. :)
"Are you happy?" Tanong ni Erwan. Nilapitan niya ako sa may pool ng villa namin. 6 feet ang lalim nito.
"Syempre." Saka ako ngumiti sakanya. "Can I ask you something?" Tanong ko.
"Sure." Sabi niya, saka niya binabad yung mga paa niya sa pool.
OO. Magkatabi kami.
"How will you know if you've moved on?" Napatingin siya sa akin.
"Bakit mo tinatanong yan?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala naman." Magpagkakatiwalaan ko naman siguro ito no?
"Nagsawa? Niloko ka? Pinaglaruan? Iniwan sa ere? O nagsakal?"
"Ha?" Nabigla ako sa mga sinabi niya.
"Alin sa mga yun ang ginawa ng ex mo?"
"Lahat.." Nahihiyang sagot ko..
Niyakap ako ni Erwan, actually parang akbay lang naman.
"Lakasan mo ang loob mo." Sabi niya saka niya tinapik ang balikat ko.
"Malalaman mong nakabawi ka na sa narakaan kapag sa tuwing naiisip mo yun, napapangiti o natatawa ka nalang." Sabi niya.
Bigla akong natawa sa sinabi niya.. pero may konti pa.
Konting konti nalang..
Makakapagmahal na din ako ulit..
Sumandal ako sa balikat ni Erwan.
Pinapayuan niya ak----
"STEF!!" Sigaw ni Aero. Napatingin ako sakanya, napatayo si Erwan.
"Pare, dinadamayan ko siya."
"Sino ka ba ha?!" Galit na galit siya -_______________-
"Ano ba pare." Inaawat siya ni Erwan. Nakaboxers lang siya. Wala siyang tshirt na suot. Inaangasan niya si Erwan.
"Anu bang gusto mo ha? Si Stef?!" Nakakatakot siya.
"May paakbay akbay ka pang nalalaman?!" Bulyaw pa ni Aero.
"ANO BA AERO!" Tumingin silang dalawa, nanahimik si Aero.
Tumalon ako sa pool.. hindi ko alam kung bakit.. pero hindi ako umahon, hinayaan ko malunod ang sarili ko..
Pero hinila ako agad ni Aero..
"NABABALIW KA NA BA?!" Sigaw ni Aero sa kin.
"Tumigil na kayo!" Naiiyak kong sigaw.
"Hindi rin kita maintindihan e!" Sabi niya sa kin, bigla siyang umalis..
"Aero." Tumigil siya. "Ano?" Tinanong niya. Hindi siya lumingon..
"Mas hindi na kita maintindihan ngayon." Sabi ko.. alam kong alam niya na umiiyak na ako..
"Tama na." Niyakap lang ako ni Erwan saka niya tinatapik ang likod ko..
"Alam mo?" Sabi ni Aero saka siya humarap sa kin.
"Bakit ba kasi minamahal kita? E alam ko namang hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin." Nakikita kong nasasaktan siya..
Ito ang unang beses na.. pumatak ang mga luha niya, sa harapan ko..
"Alam mo bang bago ako matulog lagi kong hinihiling na.. sana paggising ko mahal mo na din ako. Sana balang araw, yung mga ngiti na ginagawa mo, maging akin. Nakakatawa noh?"
BINABASA MO ANG
Brave Heart
Novela JuvenilStef believes every guy are different from every beginning, but are all the same at the ending because of a trauma. How will Aero change her aspect? How will Aero give her a brave heart? And how will Stef believe in him when the first time she laid...