Chapter 33 (We're cool)

139 3 7
                                        

Stef's POV

Minsan, hindi talaga sapat ang pag-ibig nalang.

Mahirap na magmahal ngayon. 

Nakita niyo naman siguro kung gaano ko nagmahal?

At nakita niyo naman siguro na nasaktan parin ako sa huli?

Yun ay dahil, minsan, kahit gaano pa natin mahalin ang isang tao, kung pagmamahal nalang ang meron ka, talo ka.

Hindi sa lahat ng mga pagkakataon, nananalo tayo't nasusunod ang lahat ng mga gusto natin. AT!

Hindi sa lahat ng panahon, ang lahat ng mga hiling natin, kayang ibigay ng Diyos.

Imbes na magreklamo tayo, bakit hindi nalang natin subukang gamitin ang binigay ng Diyos sa atin?

Matuto dapat tayong makuntento sa kung ano man ang ipinagkaloob sa atin.

Dahil, ang isang bagay, may rason kung bakit nakarating yan sayo.

At ang isang bagay, o tao man, kapag napalayo.. wag kang panghinaan ng loob.

Dahil may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay. 

 Hindi natin palaging makakamit ang mga gusto natin.

Pero, kahit papaano, kung ang isang bagay, o tao ay para sa atin talaga..

YAN MISMO ANG LALAPIT SA ATIN ^__^

Message ko lang kay Aero?

"After all that we've been through, I know that we're cool.." :)

Aero's POV

Minsan siguro talaga hindi lahat may happy ending.

Hindi kasi tayo mga perpektong tao na pweding magimbento ng story at gawing katotohanan.

Nasa France ako ngayon, Paris. INaalagaan ko mommy ko.

Maniwala man si Stef o hindi, wala akong kasalanan.

Si Peechy ang... punyemas na peechy kasi eh! ANYWAY

Maghihintay ako hanggat sa kaya ko para kay Stef. 

Dahil sakanya natuto akong magmahal, natuto akong magpahalaga.

Nabago ako ni Stef. Dahil sakanya hindi na ako yung Masungit na Aero na kilala ng lahat.

Pero ang hindi ko lang talaga matanggap na naging kasalanan ko ay kung bakit hindi ko siya pinagkatiwalaan.

Kung sanang pinagkatiwalaan ko siya edi sana masaya kami ngayon.

Ayan tuloy, hanggang sana nalang ako..

Gusto niyo pa ba kami magkabalikan> O wag nalang?

Kasi ako gusto ko pa eh.. mahal ko kasi siya.

Ang mapapangako ko sakanya, mahihintay ko siya.

Message ko kay Stef?

"After all that we've been through I know that we're cool."

Mahal na mahal ko siya eh. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

End of We're Cool

See Epilouge :)

Brave HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon