Chapter 4 (Save me)
Stef's POV
Ang aga ko nagising. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. 5:45am palang.
Lumabas ko sa kwarto. Umuulan. Nagluto ako ng soup. YAN LANG KAYA KONG ILUTO. Hahaha! Tska mga piripirito :D
"Aga mo ah" Sabi ni ate Raine na kinukusot pa ang kanyang mata at may dala dalang Human Anatomy sa libro na pagkakapal-kapal!
"Wala akong tulog. Grabe tong H.A." Sabi pa niya. "Konting tiis nalang" Dagdag pa niya.
"Kamusta na pala kayo ni Rion?" Bigla niyang tinanong. Nabulunan tuloy ako -____-
"WA-LA ng KA-MI." Inemphasize ko talaga.
"Bakit?" Napahinto siya sa pagnguya't pagbabasa.
"Gago yun!" Sigaw ni Kuya Liam. "Ang bango ha. 6am palang gising na kayong dalawa?" Dagdag pa niya.
"Hindi kasi ako nakatulog kaka-aral" Paliwanag ni Ate Raine.
"O ikaw Princess? Sino yung naghatid sayo kagabi?" Tanong ni Kuya Liam.
"Ah. Wala, si Aero yun."
"Saan mo nakilala?"
"Sa may treehouse doon."
"At kelan ka pa nakarating sa treehouse na yun?"
"Nung tuesday. Mabait siya kuya."
"Di kaya si King yun?"
"Hah?" Nagtatakang tanong ko.
"Yung isa sa kambal na kapatid ni Joe."
"Sino yun?" Nagtaka ako siyempre!
"Siya yung nagpagawa ng treehouse para sa kambal niyang kapatid. Barkada ko yun."
"Ah..." Gets!
"Sige okay lang na lapitan mo mga Ferrer. Mababait mga yun." Sabi niya na kinatuwa ko dahil mabait naman talaga sila. May
topak nga lang yung isa >.<
"Sge kuya jogging muna ako."
"Wala kang pasok?"
"Mamaya pang 3pm-7pm."
"Sge. Nakakapagtaka yang schedule mo ha."
"Oo nga e."
Jogging kung jogging. Napalayo ako. Dinaanan ko yung treehouse pero mas lumayo pa ako doon. Hanggang hindi ko na matanaw yung bahay namin pati na rin yung treehouse.
Lagot -___-
Naliligaw ako. Laki kasi ng village na to.
Dami pang mga kanto >.<
BUT! Something caught my attetion. Oh lalalalalala. RED ROSES! :">
Lumapit ako sa isan malaking bahay na pure white at yung bubong, dark green. Uniform at sobrang laki. May swimming pool sa loob, tanaw na tanaw ko. Sa harapan ng bahay may mga red roses.. Pipitas na sana ako.. Kaso---
"Ms. Bawal po pumitas diyan." Huli ako sa maid =_=
"Isa lang ate please?" Nagmakaawa ako. Nawili kasi ako sa red roses :3
"Hayaan mo siya ate sige." Sabi ng pamilyar na boses. Lingon ako ng lingon hindi ko siya makita. Nasa balcony pala >.<
SI AERO :"> Hahahaha! "Thank you!" Biglang sigaw ko.
"Dagdagan mo pa sige" Suyo pa niya't binelatan ko ang maid :P
"Salamat ate ha!" Ngumiti lang yung maid.
![](https://img.wattpad.com/cover/1395882-288-k556318.jpg)
BINABASA MO ANG
Brave Heart
Fiksi RemajaStef believes every guy are different from every beginning, but are all the same at the ending because of a trauma. How will Aero change her aspect? How will Aero give her a brave heart? And how will Stef believe in him when the first time she laid...