I ♥

269 1 0
                                    

2 years later...

Anthony: Welcome back, babe! Grabe, I missed you so much!

Fretzie: I missed you too, babe! (Hugs) Sina Mommy?

Anthony: Nagtatrabaho eh.

Fretzie: Work work work. Hindi man lang sumama sa pagsundo sa'kin.

Anthony: Hayaan mo na babe, andito naman ako eh.

Pagdating ng dalawa sa bahay nina Fretzie...

Everyone: Surprise!!!

Fretzie (shocked): Oh my!!!

Fretzie's Mom: Welcome back, dear! Finally, you're home! (Hugs)

Fretzie's Dad: We missed you so much, hija!

Fretzie (teary-eyed): Grabe, I didn't expect this! Ang sabi kasi nitong si Anthony nasa work kayo. I missed you Mom, Dad...

Anthony: Sorry babe, napag-utusan lang. Ito talaga ang tinrabaho nila.

Fretzie: Aww... I love you guys!

Fretzie's Mom: Teka lang, nandito din si Ivan.

Fretzie: Really? Where?

***

Natapos na ang welcome party, at umuwi na ang mga bisita...

Nakadungaw sa veranda si Fretzie at nagpapaantok nang makita ang familiar na bulto ng isang lalaki na nakatayo sa tapat ng bahay nila. Dali-dali siyang bumaba at lumapit dito.

Fretzie: Ivan!

Ivan: Fretzie. Nandito ka na pala?

Fretzie (kunway nagtatampo ang tinig): Stop pretending na hindi mo alam Ivan! Nasabi na nina Mommy na nandito ka kanina.

Ivan: ...

Fretzie: Bakit bigla kang nawala? (Tinakbo si Ivan saka niyakap nang mahigpit) Loko ka, na-missed kita!

Tumikhim si Ivan saka pasimpleng lumayo sa kanya. Hindi nagpahalata si Fretzie na nasaktan siya sa ikinilos nito.

Ivan: Welcome home... Fretzie.

Fretzie: Yun lang? Wala man lang I missed you or something?

Ivan: Fretz...

Hinintay niyang dugtungan ni Ivan ang sinasabi pero hindi nito ginawa iyon. Ngumiti siya ng pilit kahit ang totoo ay gusto na niyang umiyak.

Fretzie: Hmm... O sige, matutulog na'ko. Goodnight Ivan. (Tumalikod na at naglakad papasok ng gate)

Ivan: Fretz.

Fretzie (huminto at lumingon): Bakit?

Ivan: (Umiling) Goodnight.

Tumalikod na siya at pumasok ng tuluyan bago pa nito makita ang mga luhang nag-uunahan na sa pagpatak sa pisngi niya.

Bakit ganun, parang iniiwasan siya nito? Galit ba ito sa kanya? Anong nangyari? Hindi ba nito matanggap na siya ang nabuhay at hindi ang kakambal niya? Asan na ang dating Ivan na kilala niya? Asan na ang Ivan na bestfriend niya? Asan na ang Ivan na...

Pinahid niya ang luha at tumakbo papunta sa kwarto.

ONE TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon