XXI ♥

114 1 0
                                    

***

Unang pinuntahan ni Fretzie ang puntod ni Joans. Doon ay tahimik na kinausap niya ito, sinabi ang lahat ng gusto niyang sabihin. Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga naging pagkukulang niya dito, at nagpasalamat na rin.

Fretzie: Huwag kang mag-alala Joans, aalagaan ko itong puso mo. Asahan mong ibibigay ko lang 'to kung kanino 'to nararapat. Mamahalin nito si Ivan nang buong-buo, katulad ng pagmamahal na alam kong meron ka para sa kanya. Maraming-maraming salamat sa pagdugtong mo sa buhay ko. I love you, sis.

Pakiramdam ni Fretzie ay may malamig na hangin na yumakap sa kanya. Napapikit siya at parang nakita niya ang imahe ng kakambal na nakangiti sa kanya. Matagal bago siya nagmulat at pagmulat niya ay parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam niya. Lahat ng guilt na nararamdaman niya dahil sa pagkamatay ni Joans ay naglaho na rin.

Sunod na tinahak niya ang daan papunta sa pinagtatrabauhan ni Anthony.

Nang nasa bungad na siya ng opisina nito ay napahinto siya dahil narinig niyang may kausap ito.

Girl: Huwag mong asahan na titigilan kita. Lalong hindi ngayon na magkaka-baby na tayo!

Anthony: Please patahimikin mo na 'ko. May girlfriend na 'ko!

Girl: Paano ang baby natin? Tatakbuhan mo na lang nang ganun-ganun na lang?

Anthony: Don't worry, susuportahan ko kayo. Huwag ka lang manggulo.

Girl: Hindi namin kailangan ang pera mo! Ikaw ang kailangan namin!

Fretzie: (Tuluyan nang pumasok) Oo nga naman, Anthony.

Anthony: Babe! Magpapaliwanag ako.

Fretzie: Huwag na Anthony, narinig ko na lahat. Ang mabuti pa, be a man at panagutan mo kung anuman ang nagawa mo.

Anthony: Pero paano ka? Paano tayo?

Fretzie: Wala nang tayo, Anthony. Wala na, lalo na ngayon na sinira mo na ang tiwala ko sa'yo.

Anthony: I'm sorry, Fretzie.

Fretzie: If you're really sorry, panagutan mo ang ginawa mo. (Smiles) Goodbye, Anthony.

ONE TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon