XV ♥

149 1 0
                                    

Noon bumitaw sa kanya si Ivan. Nang muli siyang humarap dito ay nakayuko na ito habang nakakuyom ang kamao.

Fretzie: (Crying) Ivan, I'm sorry... (Napahawak siya sa dibdib niya na tila lalong naninikip) I lied nung sinabi kong kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Mahal ko na siya.

Habang sinasabi iyon ay lihim siyang humihiling na sana ay hindi nito mahalata na nagsisinungaling lang siya.

Ivan: (Puno ng hinanakit ang tinig) Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin? Sana hindi na tayo umabot sa ganito.

Fretzie: I'm sorry, Ivan. Sana maging magkaibigan pa rin tayo.

Ivan: (Ngumiti nang mapait) Kung yan ang gusto mo, sana maging masaya ka na lang. (Tumalikod na at humakbang palayo) Mahal na mahal kita kaya kahit mahirap, tatanggapin ko na lang ang desisyon mo.

Hindi pa rin alintana ang naninikip na dibdib, humahagulgol na hinabol ni Fretzie si Ivan.

Fretzie: (Hinawakan sa kamay si Ivan) I'm sorry. Sana huwag kang magalit sa'kin.

Ni hindi humarap sa kanya ang lalaki. Sa halip ay inalis nito ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay nito.

Ivan: Kahit naman anong gawin mo, hindi ko kayang magalit sa'yo. Ganun kita kamahal. Hayaan mo na lang muna akong mapag-isa.

Fretzie: Ivan...

***

Joans: Saan ka nanggaling Fretz? Kanina pa nag-aalala sina mommy sa'yo.

Fretzie: May inasikaso lang ako.

Joans: (Nangunot ang noo nang mapansin ang pamumugto ng mga mata niya) Teka, umiyak ka ba? Anong problema?

Fretzie: (Pinilit ngumiti saka umiling) Wala to, wala akong problema.

Joans: I don't believe you! Ramdam ko kung may problema ka man o wala, ano ka ba, kambal kaya tayo! C'mon tell me, anong nangyari?

Fretzie: Wala nga, ang kulit talaga ng babaeng to! (Laughs) Sige, magpapahinga muna ako.

Joans: Okay...

Papasok na sana sa kwarto si Fretzie nang mapahinto siya. Nilingon ulit niya ang kakambal na mataman pa rin palang nakamasid sa kanya.

Fretzie: Hmm... Joans... Sinagot ko na pala si Anthony.

Joans: What?! (Nilapitan si Fretzie) Paano si Ivan?!

Fretzie: Wala na kami.

Joans: What?! Bakit?! Hindi ba mahal mo yun?

Fretzie: Ewan ko, basta naramdaman ko na lang bigla na si Anthony na pala ang mahal ko.

Joans: (Mukhang hindi pa rin makapaniwala) ...

Fretzie: Joans.

Joans: Ano?

Fretzie: Alam kong may gusto ka kay Ivan. Ikaw na ang bahala sa kanya ha? (Para na namang kinurot ang puso niya sa sinabi)

Joans: Fretz, kung ginagawa mo to dahil lang sa alam mong may gusto ako sa kanya, huwag please. Masaya naman ako para sa inyo eh.

Lihim siyang naawa sa kakambal. Kahit ilang ulit na nitong sinasabi at pinapakita na masaya nga ito para sa kanila ni Ivan, ramdam niyang deep inside ay nasasaktan ito.

Fretzie: Ano ka ba, hindi ganun. Mahal ko na lang talaga si Anthony (pagdadahilan pa rin niya). At kung meron man akong gustong makatuluyan ni Ivan, ikaw lang yun.

Joans: (Malungkot na umiling) Pero wala naman siyang gusto sa akin.

Tinapik niya sa balikat si Joans.

Fretzie: Wala rin naman akong gusto noon kay Anthony, di ba?

Joans: Do you really think may chance pa na magustuhan niya 'ko?

Fretzie: Oo naman! Magkasundo naman kayo eh.

ONE TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon