XXV ♥

101 1 0
                                    

Naging consistent sa pagbabantay si Ivan kay Fretzie habang nasa ospital siya. Kahit anong pagtataboy ang gawin niya sa binata ay pinipilit pa rin nitong ito ang magbantay sa kanya na sinasang-ayunan naman ng mga magulang niya. Bagamat kitang-kita niya ang pagiging maalaga nito sa kanya ay hindi niya magawang maging masaya dahil alam na niyang wala na siyang aasahan dito dahil may mahal na itong iba.

Hanggang sa dumating ang araw na ma-discharge siya mula sa ospital...

Ivan: Okay ka na talaga, Charming?

Charming.

Bakit ba iyon na naman ang tawag nito sa kanya? Hindi ba't...

Ipinilig niya ang ulo at piniling huwag na lang iyong pansinin.

Fretzie: Oo nga. Ang kulit!

Ivan: Just wanna make sure.

Bumiyahe na sila...

Ivan: (While driving) Daan muna tayo kay Joans, okay lang?

Fretzie: Bahala ka na.

Nang marating na nila ang puntod ni Joans...

Ivan: (Matapos ang tahimik na pagkausap kay Joans) Tara na...

Nang marating na ng dalawa ang bahay nina Fretzie...

Fretzie: (Nagtataka, mukhang may party sa kanila) Anong meron?  

Ivan: (Smiling) Halika, tingnan natin.  

Nang hawakan ng binata ang kamay niya ay hindi na siya nagkomento. Magkahawak kamay na pumasok na sila sa loob.  

Fretzie's Parents: Welcome home, Fretzie!  

Fretzie: Bakit po andaming tao? Ano ang okasyon?  

Fretzie's Mom: Kumain na muna kayong dalawa at baka nagugutom na kayo.  

Ivan: (Iginiya sa isang bakanteng mesa si Fretzie) Maupo ka na lang dyan, ako na ang kukuha ng pagkain natin.  

ONE TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon