IX ♥

171 1 0
                                    

Fretzie: (Tinawagan sa phone si Ivan) Where are you?

Ivan: Home. Why?

Pinigil ni Fretzie ang sariling singhalan ang lalaki. Bakit ba ganito ito? Ilang linggo na siyang halos mabaliw-baliw sa kakaisip kung bakit pabago-bago ang pakikitungo nito sa kanya, tapos ngayon, kung kausapin siya nito ay parang napipilitan pa ito.

Kailangan na talaga nilang mag-usap!

Fretzie: Good! Hintayin mo 'ko dyan.

Ivan: Fretzie aalis ako.

Aalis?

Ang alam niya, day-off nito ngayon. Saan naman kaya ang punta nito?

Fretzie: Basta hintayin mo lang ako. Please, Ivan.

Ivan: Aalis nga sabi---

Hindi na niya pinatapos ang lalaki sa sinasabi nito, tinapos na niya ang tawag.

Palabas na siya ng gate para puntahan si Ivan nang matanaw niya ang sasakyan nitong papalabas rin sa gate ng mga ito. Bago pa ito tuluyang makalayo ay dali-dali siyang sumakay sa kotse na nasa garahe at nagmaniubra. Susundan niya ito.

Naging maingat siya para hindi nito makita na nakasunod siya dito.

ONE TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon