II ♥

227 3 0
                                    

Dumaan ang mga araw na laging ganoon ang nangyayari. Tuwing magkukrus ang landas nina Fretzie at Ivan ay isang simpleng tango lang ang igagawad ng lalaki sa kanya, at kung minsan ay "hi" saka na ito tila nagmamadali at magpapaalam na. At kahit magkalapit lamang ang mga bahay nila ay hindi na sila tulad noon na laging nagpupunta si Ivan sa kanila.

Marahil simula nang mamatay ang kakambal niya ay wala na itong makitang rason para dumalaw pa sa kanila, at sa kanya.

Kahit sobrang sakit para sa kanya ay pinilit niyang tanggapin na marahil, sa pagkawala ni Joans ay nawala na rin kasabay nito ang bestfriend niya.

Nawala kasabay ni Joans si Ivan sa buhay niya.

***

Fretzie (lumayo sa boyfriend): Anthony stop it!

Anthony: Why, babe? We've been together for 4 years, hindi pa ba sapat yun? C’mon! Aniversary gift mo na sa'kin to.

Again, he kissed her. This time, mas aggressive.

Fretzie (pilit pa ring lumalayo sa lalaki): Anthony please, wag mong gawin sa'kin to! Ano ba!

Nang ayaw pa ring paawat ng lalaki ay buong lakas na itinulak niya ito palayo.

Fretzie: I said no! Wala ka na bang respeto sa'kin ha?

Tuluyan na siyang naiyak dahil sa takot at disappointment sa boyfriend.

Anthony: Of course I respect you! Two years kang nawala babe, at na-missed lang kita nang sobra.

Fretzie: At hindi tama na pilitin mo ako sa isang bagay na ayaw ko para lang patunayan mong na-missed mo ako, for God's sake!

Anthony: Fine! Kung ayaw mo, edi huwag!

Fretzie: I can't believe this!

Umiiyak na lumabas na siya ng bahay ng mga ito at nagtatakbo pauwi sa bahay nilang malapit lang din doon.

Hindi niya napansin na nadaanan niya si Ivan na palabas ng bahay ng mga ito.

Ivan: Fretzie?

Kahit narinig niya ang pagtawag nito sa kanya ay hindi niya ito pinansin. Patuloy lang siya sa pagtakbo.

Ivan: Fretz wait!

Nang mahabol siya nito ay hinawakan siya nito sa braso at pilit iniharap dito.

Ivan (worried): Why are you crying? (Hugs Fretzie) Tell me what happened?

Fretzie: Let me go Ivan! Hayaan mo muna ako.

Ivan: Alam kong galing ka kina Anthony. Anong nangyari? Inaway ka ba niya?

Fretzie: N-no.

Ivan: Kung ganun, ano? May ginawa ba siya sa'yo? Binastos ka ba niya?

Fretzie: Ivan please, ayoko munang pag-usapan.

Nagtagis ang bagang ni Ivan at lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.

Ivan: Ssshhh... Tama na yan. It's okay, nandito lang ako.

Nandito lang ako.

Parang kailan lang ay para siyang may nakakahawang sakit kung iwasan siya nito.

Anthony: Babe!

ONE TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon