RAGE JOSEFF DEL FIERRO
Requested by: Rhea Rose Rombo Nacion nimerooyy
Hi, bra! Sorry sa sobrang delay ah? Busyness iz real. 😂 pasensya na sa gawa ko hahaha sana magustuhan mo. *cross-fingers* pagtyagaan mo na, ah? Sige naaa, please? 😂 hahaha labyu 😙
****
"Rhea." halos mapatalon ako dahil sa mariing boses ni Rage.
Nilingon ko siya na namumula ang mukha sa galit, "Rage, bakit--"
"Anong sinabi mo kay Ms. Lorenzo? Inaway mo raw siya? Gusto niyang i-pull out lahat ng investments niya sa kumpanya! Mom is so disappointed!" Iritadong utas niya na nagpainit ng ulo ko.
Ibinaba ko ang baby gloves na hawak ko kanina at hinarap siya, "Oh, bakit!? Ano mo ba 'yon!? Ha!? Bakit parang concern na concern ka!?" Galit kong utas sa kanya.
Inihilamos niya ang mga palad niya sa mukha niya bago suminghap, "Rhea, she is a damn client. Her mom is my mom's best friend since college--"
"Wala akong pakialam!" Sigaw ko sa kanya, "Tangina, Rage! 'Babe' ang bungad sa akin nang sinagot ko 'yung tawag niya! Ano sa tingin mo magiging reaksyon ko!? Ha!?" Naiiyak kong utas pero pinigilan ko dahil ayokong umiyak sa harap niya. Nilunok ko ang namumuong bukol sa lalamunan ko, nagiinit na din ang dibdib ko dahil sa galit.
"Ano!? Fiancee mo ako, Rage! Ano sa tingin mo mararamdaman ko!?" Hindi ko na napigilan ang paghikbi.
Nakita kong namungay ang mga mata niya, "Rhea..."
Hinawakan ko ang malaki kong tiyan dahil sumipa ang baby ko. Kabuwanan ko na pero eto at inaaway pa ako ni Rage!
Sumipa ulit ang baby ko. Nararamdaman niya ata ang sama ng loob ko. Huehuehue. Sorry, baby. Gago kasi ang daddy mo eh! Huehuehue!
"Rhea, please, calm down--"
"Ngayon 'calm down'!? Calm down my fucking arse!" Mataray kong utas, "Ganon na ba ang tawagan niyo ng mga 'CLIENTS' mo? O, baka naman espesyal siya at sa kanya lang 'yon!?" Pangaakusa ko, "Oh, baka naman type mo siya? Gusto mo yata siya eh!? Edi kayo na lang! Magsama kayo! Tutal, kaya ko naman buhayin ang baby ko mag-isa eh! Jan ka na nga! Or better yet, magsama kayo ng Petra Lorenzo na 'yan! Tangina niyo!" Ani ko bago siya tinalikuran.
"What the!? Rhea, come on! Are you fucking serious!? Ngayon ka pa mag-gaganyan? Wag kang magbiro ng ganyan, please! Calm down!" Tarantang utas niya.
Kitang-kita ko ang pamumutla niya ang makita niyang kinukuha ko ang mga gamit ko sa walk in closet niya.
"Fuck!" Mura niya, "Rhea Rose Del Fierro, please! Calm down! Pagusapan natin 'to--"
"NO! I'm calling the wedding off! Magsama kayo ng babae mo!" Umiiyak kong utas, "Tutal, pinagtatanggol mo siya, diba? Inaaway mo nga ako para sa kanya, diba!? Oh! Edi magsama kayo! Leche!" Galit kong utas bago ko siya hinampas ng hanger.
Napapikit siya sa sakit pero wala akong pakielam. Kinuha niya 'yung hanger at isninabit kung saan. Tinalikuran ko siya para makakuha ng damit.
"Rhea..." tawag niya pero hindi ko siya pinapansin.
Nang makakuha ako ng ilang damit ay tinulak ko siya palabas ng walk in closet, "Rhey... please..." pagmamakaawa niya pero di ko siya pinansin.
Nakasunod pa rin siya dala ang mga damit ko nang bumalik ako sa walk in closet para kunin 'yong maleta ko, "Tangina, Del Fierro, bitawan mo 'yang mga damit ko kung ayaw mong mawalan ka ng karapatan sa anak mo!" Banta ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fan Fiction Dialogues And One Shots Compilation (Jonaxx Edition)
FanfictionFor those who liked and appreciated my dialogues and some of my quotes on JSLs page on facebook. This compilation is for you! Thank you very much! 😀 Also available, one shot requests and special one shots, quotes and poems. I dedicate this compilat...