VINCENTIUS THERON HIDALGO
Requested by: Eunice Gallardo EunaJi
****
Napahinga ako ng malalim nang binasa ko ang mga text ni Vince. Kanina pa 'to pero hindi ko nirereplyan dahil sumama talaga ang loob ko.
Vince:
Baby, I'm sorry. I can't go home tonight. See you tomorrow. I love you.
Vince:
Baby, I'm really, really sorry. Are you home? Kumain ka na ba? I miss you.
Vince:
Eunice, please, baby. Pick up the phone. I love you.
Vince:
Kumain ka na. It's already past seven. I miss you.
Vince:
Baby...
Vince:
Please, answer my calls and texts. I'm worried. I love you.
Vince:
Baby, I love you. Please, understand.
You have 55 missed calls. 8:13pm
Ngumuso ako bago pinatay ang bagong tawag ni Vince at saka tuluyang pinatay ang cellphone ko.
Hinilig ko ang ulo ko sa bintana kung saan kita ang buong Maynila. Malakas ang ulan sa labas na mas nagpalungkot pa sa akin. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak dahil na naman sa hindi natupad na pangako ni Vince.
Ganito pala talaga kapag mahal mo eh noh? Lahat tatanggapin mo. Lahat iinitindihon mo. Pero... nakakasawa din pala ano? Pwede naman siguro magtampo minsan diba? Tapos, di muna magpakita? Lay-low muna, kumbaga.
Napahinga ulit ako ng malalim. May dinner date kasi kami dapat ngayon ni Vince...
Niyaya niya ako nung isang gabi, pangbawi niya daw sa anim na dates na hindi niya napuntahan. Sabi ko sige! Dun daw kami sa favorite kong resto. Tapos, kahapon sabi niya sa bahay nalang daw kasi namimiss niya na 'yung luto ko. Tapos, ngayon... ah! Ewan!
Tinignan ko ang wedding invitation namin ni Vince. Nalungkot naman ako bigla.
Paano nalang pag magasawa na kami? Ganito kami palagi? Puro intindi? Puro sorry? Puro next time? Paano na ako? Two weeks nalang ikakasal na kami at mas lalong lumalaki ang takot ko. Mahal na mahal ko si Vince pero... mahal niya pa ba ako?
Kasi kung kailan malapit na ang kasal namin saka siya nagkaganyan. It's been two whole months na ganyan siya and I can't help but doubt his feelings for me. Kasi hindi naman lahat ng niyaya ng kasal ay mahal, diba?
Ako din naman, nabusy sa career ko pero may oras pa rin naman ako sa kanya. Pero, siya...
Sabi nila, intindihin ko. Ganon naman ginagawa ko ah? Lahat iniintindi ko. Lahat tinatanggap ko. Lahat binibigay ko. Pero... paano kung nawalan na ako?
Di ba sa love, give and take? Eh, paano pa ako mag-gi-give kung wala naman na akong na-te-take?
Mahal niya naman daw ako. Pero, diba, Action speaks louder than words? Ayyy! Ambot!
Niligpit ko ang mga pagkain sa lamesa at nilagay 'yon sa ref. Wala akong ganang kumain. Aalis nalang siguro muna ako. Magpapalipas lang ng sama ng loob. Kila Amer muna siguro ako.
Nanguha ako ng ilang damit pantulog, pangalis at undergarments ang kinuha ko para sa ilang araw kong pagtira kila Amer. I called him a while ago and he was like a kid, excited for a balloon in the park.
BINABASA MO ANG
Fan Fiction Dialogues And One Shots Compilation (Jonaxx Edition)
FanfictionFor those who liked and appreciated my dialogues and some of my quotes on JSLs page on facebook. This compilation is for you! Thank you very much! 😀 Also available, one shot requests and special one shots, quotes and poems. I dedicate this compilat...