Chapter 2

44 4 0
                                    

Pagkadating ko sa Hospital, agad kong tinanong kung anong room si Joseff.

"Miss hindi pa po kayo pwedeng pumasok" tigil sakin ng isang nurse, ng akma akong papasok.

"Kuya, ano na po ang lagay niya?" Nag aalala kong tanong.

"Intayin nalang po natin ang Doctor, Miss siya ang sasagot niyan. Ngayon maupo muna kayo" pinaupo niya ko malapit dun sa kwarto ni Jacob. Pero maya-maya lumabas na ng kwarto ang Doctor.

"Miss, ikaw po ba ang fiance ng pasyente?" Biglang tanong sakin ng Doctor.

"Opo, ako nga po. Kamusta na po siya? Okay lang ba siya?" Sobrang nag aalala ako sa kanya, hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin.

"Miss, didiretsuhin na kita, na comatose na ang fiance mo. Dahil sa matinding tama sa kanya ulo. At 50% lang ang may pag asa pa siyang mabuhay." Para akong pinagsakloban ng langit at lupa. Napatungo na lang ako at di nakapag salita. "Sa ngayon ipagdasal mo siya, tiyak na makakatulong yun." Saka siya umalis. Sumilip ako sa kwarto niya at nakita ko siyang madaming tubo ang naka kabit. Hindi ko mapigilan ang umiyak. Iyak lang ako ng iyak.

Tinawagan ko ang parents niya, ng nabalitaan nila agad silang sumugod sa Hospital. Napatayo ako ng bigla kong nakita sila Tito at Tita.

"Tita" nakita ko ang mga mata niya, siguro umiiyak na siya pag kapunta pa lang niya dito, akala ko magagalit siya, pero niyakap niya ko ng mahigpit. Napaiyak na rin ako ng sobra.

"I'm sorry tita" umiling siya, na parang sinasabing hindi ko ito kasalanan.

"No ija, hindi mo ito kasalanan" pinunasan niya ang luha ko. At sabay kaming pumunta sa kwarto ni Jacob.

"Ija, napag isip isip ko, na dadalhin ko si Jacob sa state para magamot siya. Mapapabilis siyang makaka-recover doun kapag dinala ko siya." Nagulat ako sa sinabi ni tita, gusto kong tumanggi, pero hindi ko pwedeng gawin yun.  "Ija, babalik din kami dito pag maayos na siya" ngumiti sakin si Tita, alam kong tutuparin niya ang sinabi niya. Ngumiti na din ako. Kahit masakit, para sa kanya. Handa akong mag sakrapisyo...



5 years laters...

Limang taon, limang taon na ang nakalipas mula ng umalis siya.

"Lyn, saan mo gusto kumain? Maaga pa naman kaya pwede pa tayong dumaan sa kainan." Tanong sakin ni mama, bago kami pumunta ng airport susunduin namin si tita belle.

"Sa Luxary nalang ma" Dun kami dati nag da-date, hayst kamusta na kaya siya ngayon? I miss him so much. Wala na kasi akong balita o communication sa kanya simula ng umalis siya. Nakarating na kami sa Kainan, at saglit na kumain dun, pagkatapos dumeretso na kami sa Airport.

"Anak, dito ka nalang pumuwesto ako na lang dun sa harapan, para madali nating makita ang tita mo" anya niya, tumango nalang ako. Umupo ako sa malapit na bench. Luminga linga baka sakaling makita ko si tita belle. Pero meron napukaw ng tingin ko. It's him, Jacob. My Jacob. Damn agad aking pumunta sa kinaroroonan niya.

"Jacob!" Sigaw ko, pero hindi niya ko tinignan. Lumapit ako sa kanya, at niyakap ko siya ng mahigpit. Pero nagulat ako ng bigla niya kong tinulak.

"Don't touch me, Who are you?" Tanong niya sakin na nakataas ang kilay.

"H-hindi m-mo ko, kilala?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Are you Idiot? Tatanungin ba kita kung kilala kita." balik niya sakin. God! Anong nangyari sa kanya.. Nilagpasan niya ko at umalis na. Hindi niya ba talaga ako nakilala. Halos mapatulala ako. Hindi ako makapag salita...

"Lyn, andito na ang Tita Belle mo" nakangiti anya ni mama. Ngumiti na lang ako ng tipid at sinalubong sila.

"Tita, kamusta po?" Tipid kong tanong sa kanya. At niyakap siya.

"Okay lang ija, ang laki mo na talaga. Dalagang dalaga kana. May asawa ka na ba?" Napatingin sakin si mama. Kaya agad niyang nilayo ang topic na yun. Inaya na niya si tita belle sa kotse. Halos buong byahe akong nakatulala. Sumasagot lang ako pag may tanong sila.

"Andito na tayo, halika na kayo. Lyn bitbitin mo ang ibang gamit ng tiya mo" tumango lang ako at kinuha sa likod ng sasakyan ang ibang gamit. Pagkapasok ko sa bahay agad akong pumunta ng kwarto ko. Umupo ako sa kama at napahikbi. Nakita ko ang picture naming dalawa. Mga masasayang araw namin.

Flashback...

" My Queen, okay ba itong suot suot ko?" Tanong niya sakin. Nandito kami ngayon sa bahay namin, at magkagalit kaming dalawa, kaya ayan gumagawa ng paraan, para mapagbati kami. Tinignan ko siya at di ko napigilan ang pag tawa. Seriously? Isang Adonis na katulad niya nagdamit ng pangbabae. Gash!

"Ano ba yang suot mo? Pinakialaman mo nanaman yang mga damit ko" tawa tawa ko paring sabi.

"Ayan nag smile kana, so bati na tayo? " lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Hmmm. Hindi pa, pose kamuna tapos -picturan kita. Bilis, pwesto kana" mabilis kong kinuha ang phone ko at tinulak siya papuntang harap. Naaliw ako sa kanya.

"No, di ko gagawin yan" ngumuso siya. Ang cutee niya grabe.

"Ganun? Sige hindi pa tayo bati. Alis ka bilis alis" tinaboy ko siya. Pero di padin siya umalis.

"Fine, I will do that, Damn!" Napangiti ako kaya agad ko siyang pincturan ng nag pose siya. Nakakatawa kasi, alam mo talagang ayaw niya ang ginagawa niya.

"Ang ganda, tayo din selfie tayo." Kiniss niya ko sa pisnge, nagulat ako pero nakuha ito ng camera, tinignan ko at nakita ko ang cute namin. I-uupload ko ito mamaya.

"Thank you, My king. Hindi mo talaga ako, matitiis" sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Of course My Queen, you know. I love you" he said, and he hugged me back.

"I love you too"

Namimiss ko na talaga siya. I miss you my king, I miss you my Jacob, bakit hindi niya ko maalala? Ang sakit sobra. Para kong pinipiga. Nadudurog ang puso ko. I love him so much. More than anything. Gusto ko mabalik lahat, lahat ng meron at masasayang araw namin. Gusto ko na. Ilang taon ko na siyang di nakikita, gusto ko ng makita siya..

Who are You?Where stories live. Discover now