Chapter 3

34 4 0
                                    

Klarlyn PoV

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng nakita ko siya sa airport at hanggang ngayon hindi ko pa ulit siya nakikita. Hayst! Baka epekto yun ng aksidente niya kaya hindi niya ko matandaan.

"Anak ito na ang baon mo sa trabaho, mamaya ay aalis kami ng Tita Belle mo baka mga 2 linggo kami mamalagi sa Bacolod dadalawin namin ang lola mo." Oo nga pala, papasok nanaman ako. Ang masaklap Monday nanaman ngayon. Hayst tinatamad na kong pumasok.

"Sige po ma.. Thank you." Nilagay ko na sa bag ko ang baon na inihanda niya at kumuha lang ng kapirasong tinapay na pinalaman. "Alis na ko ma, ingat kayo" I kiss her.

***

Pagkadating ko sa Office namin, as usual nandoon nakita ko ang lamesa kong busog na busog dahil sa dami ng papel na nakalagay. Hay! Mahabang habang bak-bakan nanaman ito. Umupo na ko at tinignan ang mga nasa papel.

"Lyn andyan ka na pala.. Jusme! Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni Mr. Osmeña nako mainit ang ata ang ulo." Bungad agad sakin ni Kate. She's my bestfriend. Hayst another problem.

"Hala, ano nanaman ginawa ko?" Nagkibit balikat lang siya.

"Goodluck beshi" nag thumbs up pa ang bruha. Napailing nalang ako.

Pag akyat ko sa third floor kung saan naka lagay si Mr. Osmeña, jusme kinakabahan ako ah.

"Hi Ate Jen, nandyan ba si Mr. Osmeña?" Tanong ko sa secretary ni Mr. Osmeña.

"Ay ikaw pala Klarlyn, oo nandyan sa loob kanina ka pa pinahahanap. Ingat ka jan. Mainit ata ulo" she said. Lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Ano nanaman kaya problema ng matandang ito.
Kumatok ako, at sumigaw siya ng pasok. Pagkapasok ko hindi lang siya nag iisa. May mga kasama siya. Pero parang yung nasa tabi niya ay pamilyar. Ayy ngayon ka pa talaga lumandi Klarlyn.

"Good Morning po, Mr. Osmeña" naks hindi ako nautal.

"Oh your here Ms. Ocampo, meron lang akong ipapakilala sayo. Dahil ikaw ang namamahala muna ngayon ng Team niyo dahil sa pag alis ni Mrs. Laurel, kaya ngayon ipakikilala ko sayo ang bago niyong Team Leader" ngumiti siya sakin at bumaling dun sa lalaking nakatalikod na katabi niya. "Mr. Jasfer Joseff Alcantara meet Ms. Klarlyn Andrea Ocampo." Nagulat ako ng humarap siya sakin, si Jacob. Pero bakit Jasfer? He changed his name?

"Hi, nice meeting you Ms." He coldly said. Ano nangyari kay Jacob?

"N-nice m-m-eeting you Jac- errr Mr. Jasfer" tapos yumuko ako. Hindi ko kaya siyang tignan ibang iba siya sa Jacob ko.

"Pwede ka ng bumalik sa trabaho mo Ms. Ocampo" sabi ni Mr. Osmeña. Tumango at nagpaalam nalang ako sa kanila. Wala akong inisip, kundi ang nangyari kanina sa Office ni Mr. Osmeña.

"Ano beshi? Pinagalitan ka ba ni Mr. Osmeña? Gusto mo ba iganti kita? Abangan natin mamaya sa labas oh" sabi ni Kate. Pero hindi ko siya sinagot. Dahil walang nasa ibang nasa isip ko kundi si Jaco- este Jasfer. Naguguluhan ako bakit parehas sila ng second name at last name ni Jacob? Pero imposibleng may kakambal si Jacob kasi 10 years na kami pero wala siyang nakukuwento na may iba siyang kapatid.
"Hoy beshi" untag ulit sakin ni Kate, kaya bumalik na ko sa realidad.

"Hm. Ano nga ulit yun?" Tanong ko sa kanya.

"May problema kaba? Ha babae?" Imbes na sagutin ang tanungin ko. Iba ang tinanong niya.

"Ako? Wala ah. San mo nanaman napulot yan." Sabi ko at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga nakalatag na papel sa aking lamesa.

"Wag mo nga aking gawin tanga, alam ko may dindala ka ano yun? Pwede ka naman mag share" sabi niya. Pero di ko na siya pinansin. At hinayaan na lang din niya ko.

Di ko napansin ang oras, mag lalaunch na pala.

"Beshi lika kain na tayo" aya sakin ni Kate. Umiling ako sa kanya.

"Dito nalang ako kakain beshii... May baon din naman ako tsaka masyadong madami ito. Kaya kelangan ko ng oras" sabi ko at nakatutok parin sa harap ng computer. Tumango siya at nagpaalam na kumain.
Bigla akong napatigil ng meron akong pares ng paa sa harap ng desk ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko kung sino. Nanlaki ang mata ko kaya napatayo ako agad at yumoko. Ano ba yan nakakahiya.

"Ms. Ocampo? Right?" He said. Ang cold niya parin. Ilang yelo ba ininom nito?

"Y-yes sir, Why?" Ano ba yan ba't ba ako kinakabahan.

"Do you remember me?" He said, and he lean para makapantay na kami. "Hmm?"

"Of course sir" confident kong sagot.

"Buti naman, ngayon babayaran mo ko sa ginawa mo sakin sa Airport." Hu? Anong masama sa ginawa ko sa kanya sa Airport? Eh sa namiss ko siya.

"Sir?"

"I don't like repeat." He cross his arm. And look at me serious.

"Pero sir, wala akong pera. Kung pera po ang gusti niyong ipam-----" pinatigil niya ko sa king sinasabi.

"No, I don't need money. I'm rich. Babayaran mo sa pamamagitan ng. Do what ever I want. " yun lang at tumalikod na siya. Nalaglag naman ang aking panga. Mapapakanta nalang ako ng "Nakakaloka"

Seryoso ba siya? Ano tingin niya sakin slave, o katulong niya. Aba sumusobra na ata siya. Porket mahal ko siya. Nako jusme di pwede ito kelangan malaman to ni President Duterte. Isa lang aking babae. Mahina kaya napagsasamantalhan... Aist puro kabaliwan ang nasa isip ko. Buset, ahhhh! Hayst ano ba yan ang dami na ngang trabaho dadagdag pa yung hambog na yun. Sino siya para utusan ako? Dapat nga siya mag-sorry kasi hindi niya ko binati, at pinahiya niya pa ko sa Airport. Hindi niya ba ko namiss? Nakakainis siya sobra. Ako nga miss na miss ko na siya tapos pagdating niya dito. Iinsultuhin niya ko. Buwesit na buhay na ito. Bumalik na ko sa aking ginawa at dito nag dabog dabog. Nakaka stress papangit mukha ko nito eh. Baka mag ka wrinkles ako nito ng dahil sakanya. Pag nangyari yun, kakatayin ko talaga siya. Bahala siya mas mahal ko na mukha ko kesa sa kanya. Bahala siya,aissst..

Who are You?Where stories live. Discover now