James Pov.
The Next Day.
"Ken James Davis" tumingin naman ako dun sa tumatawag sa akin, Ow si Hilary pala.
" Yes? " pacute kong sagot.
" Nakita mo ba si Drei? Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh " sabi nya at umupo sa tabi ko. Katatapos ko lang kasing mag laro ng Basketball
" Hindi eh, ang alam ko kasi mag kasama sila ni Candice kanina. " sabi ko kahit hindi naman. Nasa library lang si Dreii.
" BABAENG YUN! " sabi nya chaka nya kinagat yung lower lips nya bat anong ayaw ni Drei sa babaeng to She's funny, sexy, kind, Beautiful.
" Humanap ka na lang kasi ng ibang Crush Hilary marami pa naman jan chaka mas Gwapo naman ako diba " sabi ko, chaka nag papogi.
" Patawa ka James mas gwapo parin si Drei! Excuse me? Crush? Hindi ko lang crush si Drei mahal ko na siya " Seryoso nyang sabi.
Mahal na nya? Ako Hilary matagal na kitang Mahal. Hindi ko lang magawang maamin. Mahal na Mahal kita. Napahawak naman ako sa may dibdib ko." James okay ka lang ba? Nag che'chest pain ka ba? " sabi nya sa tonong nag aalala chaka nya hinawan yung parteng hinahawakan ko. Naramdaman ko namang biglang bumilis tibok ng puso ko, what the! Eto nanaman ako. Sa lahat ng babaeng nakakasama ko sa araw araw sa lahat ng babaeng kalandian ko si Hilary lang nakakagawa nito sa puso ko.
" KEN JAMES YUNG PUSO MO TUMITIBOK! " sabi nya na parang gulat na gulat.
" Ha? " sagot ko nagulat din ako sa kanya.
" Tumitibok puso mo! Buhay ka pa James " Sabi nya sa tonong hindi makapaniwala.
" Shempre hanggat malapit ka di titigil sa pag tibok yung puso ko " banat ko.
" Edi pag lumayo ako mamatay ka? " sabi nya.
Napatingin naman ako sa sinabi nya.
" Oo " sabi ko ng nakangiti.
Tumayo sya chaka tumakbo sya palayo. Takbo sya ng takbo nakoo.
"JAMES MALAYO NA AKO! TUMITIBOK PABA PUSO MO! " sigaw nya akala ko anong gagawin nya yun lang pala.
" OO KASI NAKIKITA PA KITA! " sigaw ko din nag tinginan naman yung mga lower grades sa amin at halatang kinikilig!
" BUHAY KA PA! SIGE NA BYE NA! " sigaw nya chaka nag wave na sya at tumakbo na paalis.
Napangiti nalang ako ang cute nya.
" o tol, para kang timang anong nginingiti mo jan? " singit ni Drei panira naman to.
" Wala " cold kong sabi chaka umupo na.
" oh tol? May problema ba? Sumeryoso ka dyan? Kanina lang ang saya saya mo " pag o'open ni Drei ng topic.
" tol, may balak ka bang ligawan si Hilary? " bigla nalang yan lumabas sa bibig ko.
" Wala dude alam mo naman yun diba? " chaka siya tumawa.
" Edi tapatin mo na siya tol! Wag mo na siyang paasahin! Langya naman pre! " nagulat naman si Drei dun sa sinabi ko.
" ano bang problema mo jan tol? " kalmado parin nyang tanong itatanong pa nya kung anong problema ko nag papatawa ba sya?
" Mahal ko si Hilary tol! Kaya kung pwede ba wag mo na siyang pinapaasa?! " This time tumayo na ako, nagagalit ako, nagagalit ako kasi kahit anong gawin ko hindi ko maagaw sa kanya si Hilary.
" So? Anong balak mo nyang gawin ko? " Seryosong tumingin sa akin si Drei.
Ano nga bang gagawin nya para layuan siya ni Hilary? Bahala na.
" Gumawa ka ng paraan! " chaka ko siya iniwan dun.
Bahala na siyang umisip kung anong paraan gagawin nya, ang sa akin lang ay mahal ko si Hilary, ayoko siyang masaktan, ayoko siyang umasa.
YOU ARE READING
My Gay Crush.(On Editing)
FanfictionWalang imposible sa pag mamahal. Kaya ka nitong baguhin. Kaya ka nyang baguhin ang iyong buong pag katao. May Chance pa ba na maging tunay na lalaki ang isang binababae dahil sa pag mamahal sa isang babae?