Chapter 6

134 9 5
                                    

Ilang linggo naren nakakalipas nung inamin ko kay Hilary na yun nga pero parang mali ginawa ko parang may iba na hindi ko maipaliwanag . Di narin ako sinusundan ni Hilary pag nag kikita kami umiiwas sya parang hindi ako sanay pag wala yung presensya nya.

" Hilary... " tawag ko sa kanya nung nasalubong ko sya sa may hall way.

" uuummn Hi sige mauna na ako " tapos tumakbo na sya ewan ko pero nasasaktan ako sa ginagawa nya. Nasasaktan ako sa pag iwas nya.

Nasasaktan ako pag kasama nya si James at masaya sila, nasasaktan ako pag nag kukwento si James sa mga ginagawa nila, pag nag bobonding sila, pag mag kasama. Tama lang naman sakin to eh. Napaka slow ko napakatanga ko para hindi mag isip para hindi ko malaman kung sino talaga ako.

Mahal ko na sya, Oo mahal ko na sya. Mali ako na hindi ko muna hinanap ang sarili ko. Nagpakatanga ako kay James. At dahil sa katangahan ko nawala sa akin ang babaeng mahal ko at si Hilary yun. Tama ba ang ginawa ko? Masaya na siguro sya kay James alam ko naman na aalagaan nya si Hilary at mamahalin ng higit pa sa pag mamahal ko.

" tol? Napano lalim ng iniisip mo ah " Si James chaka sya umupo sa tabi ko.

Tinignan ko lang syang umupo at tumingin sa malayo, bakit ganon hindi ko magawang magalit sa kanya ngayon. Dahil para sa akin para na syang tunay na kapatid ko.

* riiing! riiing! riiing! *

" wait lang tol, tumatawag si Candice, thank you nga pala kasi pinaubaya mo si Hilary " nakangiting sabi ni James.

James POV

" Hello Candice? Bat napatawag ka? Diba pinag usapan na natin to na huwag ka ng tatawag sakin? "

" May sasabihin lang ako, magkita tayo sa Coffee shop sa harap ng school mamaya pag katapos ng class " sabi nya pag katapos pinatay nya na yung phone.

Problema naman ng babaeng yun. Matagal ko ng kinlaro yung nangyari samin kasi balak ko na talagang seryosohin si Hilary, sakanya na ako titino, sa kanya ko na ibubuhos lahat ng pag mamahal ko.

Pag katapos ng class namin nag paalam na ako kila Drei para kitain si Candice sa Coffee shop.

" James.. " bati nya sa akin at agad nya akong niyakap.

" ano Candice, baka may makakita satin akala nila tayo, baka kung anong isipin ni Hilary at lalong di nya ako sagutin " sabi ko at kumalas sa pagkayakap nya at umupo na.

" ano bang gusto mong sabihin? " nakasimangot kong tanong.

" layuan mo na si Hilary! Yung haliparot na yun inagaw ka sakin! Mahal na mahal kita James! " sigaw nya medyo naasiwa naman ako kasi maraming studyante ang nakakarinig.

" Ano ba yang kahibangan mo Candice diba sinabi ko naman sayo na hindi kita mahal? Tyaka mahal ko si Hilary " hinila ko sya patayo.

" bitawan mo ako! " tinabig nya yung kamay ko.

" akala mo ganon nalang yun na iiwanan mo ko basta basta sa ere! Na pagkagising ko hindi mo na ako agad mahal? Tangina naman James sana sinabi mo nalang agad na wala na pala tayo! Sana sayo ko mismo nalaman hindi sa iba ginawa mo kong tanga! Tapos malaman laman ko nililigawan mo pala yung malanding Hilary na yun!? " sabi nya habang umiiyak.

"Ano ba Candice wag kang gumawa nang scene dito nakakahiya pinag titinginan na tayo! Una sa lahat hindi naging tayo Candice umpisa palang hindi na kita mahal, Aalis na ako " sabi ko, palabas na sana ako ng may sinabi sya.

"Buntis ako James! 2 months na! Kaya kahit anong gawin mo akin ka! " lumapit sya sakin at binigay yung mga test na ginawa nya.

Napatigil ako, yung samin ni Candice pag kakamali lang, lasing kami nun, hindi ko naman alam na may gusto talaga sya sa akin it was just a dare hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Paano na.

My Gay Crush.(On Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora