Chapter 5 (The Big Reveal)

118 8 3
                                    

Hilary's Pov.

Eto ako ngayon nag aayos kasi nag aya lumabas si Drei.

* flashback *

" Hilary! "

" Yep? "

" Hinahanap ka ni Drei kanina, may sasabihin daw siya sayo. Nasa Library sya " sabi ni Jenee. Classmate ni Drei sa Philippine History.

" bakit daw? " nag tatakang tanong ko, For the First time in my life ngayon lang ako hinanap ni Dreii.

" Ewan, sige alis na ako " chaka sya nag wave sa akin.

Pumunta na akong Library, naku mahaba habang lakaran yata to ah. 3rd building 4th Floor yung Library ng mga Senior High. Eh nasa 1st Building ako 3rd Floor. Naku naman.

Tinignan ko yung orasan ko Tae! 6:46 pm na 7:00 sharp nag sasara yung lib. Kinuha ko na yung bag ko at tinakbo yung 1st to 3rd building.

" Dreeiiiii " sigaw ko! Papaalis na kasi si Drei. Buti nalang uminom muna sya ng tubig.

" oh Hilary " Concern syang lumapit sa akin at pinat yung likod ko then binigay nya yung bottle na ininuman nya kanina shempre ininom ko agad baka bawiin nya mahirap na. Emeghed! Naniniwala na ako sa indirrect kiss.

Inalalayan nya ako paupo dun sa may chair.

" Okay ka na ba? "

" Yhup " chaka ako ngumiti.

" Inhale, Exhale " sabi nya with Acting.

" Haaaaaa " paka exhale ko naman Haha.

" haha okay ka na? "

" oo naman, ano nga pala sasabihin mo? " pag iiba ko ng topic.

" Mmmmn Pwede ka ba bukas? "

" san? "

" Mmmn Date tayo? "

" Date? Sus yun Lang pala, sige ba san tayo? " pabiro kong sagot, Date? Wait Date? What do you mean by Date? Duck! Niyaya ba nya kong mag Date?

" haha sunduin nalang kita sa House nyo "

* end of flashback *

* Beeep beeep *

Speaking of my Future Husband. Andyan na siya.

Lumabas na ako sa kwarto at nag paalam kay mama.

pag labas ko ng bahay nakita ko si Drei na nakasandal sa kotche nya.

Nginitian lang nya ako at pinagbuksan ako ng pituan.

" Thanks "

Binuksan na nya yung Engine nung kotche nya at nag start na nag Drive tinitignan ko lang siya, yung matangos nyang ilong, mahabang pilik mata, chaka yung lips nya na pinkish ang sarap .... ahh ano kaba Hilary! Ang Pervert mo!

 Drei Pov.

Dinala ko siya dito. Kasi sa lahat ng places na pinakagusto ko ito ang the best, ang peaceful kasi ng dagat, pati na yung langit, dito rin nabuo ang mga memory ko with my mom. At ito rin ang lugar na una akong mag tatapat kay Hilary kung ano ba talaga ako. Ayoko siyang umasa, ayoko siyang masaktan. At dun narin sa sinabi ni James.

* Flash back *

" Dreii ? " tawag sa akin ni James.

" oh? "

" Mahal ko si Hilary " at seryosong tumingin sakin si James. Napalunok ako. Mahal agad?! May sakit akong naramdaman dito may dibdib ko dun sa sinabi ni James hindi dahil may feelings ako sa kanya kundi hindi ko mapaliwanag kung ano ba to.

" ha? " sagot ko. Hanggang ngayon di pa naipro'process ng utak ko yung mga pinag sasabi ni James.

" Mahal ko si Hilary! " This time hinawakan na nya ang balikat ko.

" tapos? " wala akong alam na isagot sa mga sinasabi nya. Mahal na daw nya si Hilary? Seryoso ba siya jan?

" F*ck Ramirez! Layuan mo na si Hilary kung papaasahin mo lang siya! Tangina naman pre eh! " Sigaw nya.

" Oo sige, basta ba maipapangako mo na mag babago ka! Na hindi mo gagawin sa kanya lahat ng kagaguhan na ginawa mo sa ibang babae! " napasigaw narin ako. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Hindi ko na mapaliwanag. Galit ba to o ano?

Tumayo na ako at nag lakad palayo, ano bang problema ko? Bat parang may mabigat sa dibdib ko, dahil ba mahal ni James si Hilary? Ang gulo aiissh.

Pumunta ako sa Library ng mga Senior at nakita ko dun si Jenee.

" Nakita mo ba si Hilary? " tanong ko sa kanya, siguro nga pinapaasa ko nalang si Hilary.

" Hindi eh " sagot nya chaka bumaba na

" Sige, Pag nakita mo sya pakisabi hinahanap ko sya " sabi ko at pumasok na.

Umupo ako dun sa dulo ng table at yumuko, tama ba tong gagawin ko? Aamin naba ako kay Hilary na hindi ako straight na lalaki? Na hindi ko sya kayang mahalin? Na hindi ko kayang suklian pag mamahal nya? Sa kakaisip ko di ko namalayan nakatulog na pala ako.

" Sir, Mag sasarado na po yung Library "

" ahh sige po " tumayo na ako inayos ko na yung sarili ko. At lumabas na sa Lib. Nauhaw ako dun ah buti nalang may dala akong bottled water.

" Drei! " napatingin naman ako dun sa tumawag sa akin.

Si Hilary. Nilapitan ko agad sya pinat yung likod nya at inalok ng tubig, pagod na pagod sya san kaya nang galing tong babaeng to.
Tinulungan ko siya umupo sa mga upuan dun kasi hingal na hingal siya at pawis na pawis.

" Okay ka na ba? "Tanong ko.

" yhup " chaka siya ngumiti ang haggard nya.

" Inhale,Exhale" chaka ko tinaas yung dalawa kong kamay haha para damang dama yung pag inhale exhale ko.

" Haaaaaa " Nag Exhale sya ng malakas natawa naman ako dun, ngayon ko lang narealize na ang cute pala nya.

" Haha okay ka na? " tanong ko ulit.

" Oo naman, ano nga pala sasabihin mo? " napalunok naman ako dun sa tinanong nya, Emeghed kaya mo to Dreii.

* end of flash back *

kaya heto ako ngayon!

Niyaya ko syang umupo dun sa may bench.

" aaamn Hilary? " tae! Ano ba to natotorpe ako, sasabihin ko ba?

" teka Drei! " pag pigil nya sa akin.

" Drei! Mahal na kita! Mahal na mahal. Alam mo ba yung cookies dun sa locker mo? Yung sabi mo favorite mo? Ako yung nag bake nun, Dreii ano bang wala sa akin bakit di mo ko magustuhan? Pangit ba ako? Mag papaganda ako para sayo, ayaw mo basa pagkachildish ko? Mag mamatured na ako promise. Magustuhan mo lang ako Drei promise mag babago ako. Hindi man ako yung tipo nang babae na mapapatingin mga lalaki pag dumaan ako pero Drei kaya kitang mahalin nang higit pa sa inaakala mo kaya please. Love me back, I know na parang nag mamakaawa ako pero Drei .. " Naiiyak nyang sabi, napaka desperada naman neto!

Niyakap ko nalang siya wala akong masagot, hindi ko alam pano ko sasabihin ayokong masaktan sya pero kaylangan para rin sa kanya to.

" Hilary... hindi tayo pwede " kumalas sya ng yakap at tinignan nya ako sa mata, nag simula ng nangilid ang mga luha sa mata nya. Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa nakikita ko.

"Mahal na mahal kita... mahal kita. " umiiyak nyang sabi.

Pinunasan ko yung luha nya at binanggit ang mga salitang di ko akalain na masasabi ko sa kanya, para sa pag kakaibigan namin ni James at para narin to sa kanya.

" Hilary ... I'm A Gay "

My Gay Crush.(On Editing)Where stories live. Discover now