Chapter 1-Conan The Great!

23 2 0
                                    

Conan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Conan

Nakikita ko sya sa may madilim na banda, na para bang siya yung ilaw doon. Papalapit siya ng papalapit sakin, hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Anlambot ng mga kamay niya, bigla nya akong niyakap, nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Bigla siyang bumulong sa akin, Corrine dati palang, gusto na kita. Bigla akong nanginig sa kilig, nararamdaman kong umiinit ang aking mukha. Hinapi niya ang aking buhok dahan dahan niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Papalapit na ng papalapit ang labi niya sa akin ng biglang...

"Hoy! Conan gumising ka na nga jan mukha ka na namang timang. HAHAHA"

Naramdanan ko ang unan na humampas sa aking mukha. Bigla akong napabalikwas sa gulat. Narinig ko si kuya Marcus na tumatawa.

"Kuya naman ih, nandun na yun eh." [Pinaglalapit ang dalawang kamay na para bang naghahalikan] "Malapit na, panira ka."

"Na ano na nagkatuluyan kayo nung si ano, Leandro ba yun yung crush mo daw sabi ng kaibigan mo."

"Ano sinabi ni kyle??" [Nanlaki ang mata]

"Oo nung isang buwan, nung nagreview kayo dito sa bahay bago yung final exam niyo sa high school." Sagot naman niya.

"Humanda sakin yung mokokg na yun pag nakita ko mamaya!" Parang nangangain ang mga mukha.

"oh sya dalian mo na, malilate ka na. pinagising ka sakin ni mama dahil hinahanda niya pa yung almusal kanina. Bumaba ka na at kakain na tayo."

Tingin bigla sa orasan. 6:10 AM

"OO NGA PALA! First day ngayon ng klase ko. Bakit ngayon mo lang ako ginising kuya! Hmmmm." Nagmamadaling kinuha yung twalya sabay pasok sa banyo.

"kanina pa kita ginigising bunso, kaso sarap na sarap ka sa panaginip mo. HAHAHA, siya bababa na ako sunod ka na ha?"

"Kuya naman eh."paawa effect mode. "oo na."

Conan! heto madalas ang dilemma natin kapag napapasarap tayo ng tulog at napakaganda ng ating panaginip. pangalawang beses ko ng napapanaginipan yun, tama, pangalawa na naudlot lang na naman simula ng guluhin ako ni bluetooth, husky naming aso. dibale na marami pa namang gabi. HAHAHA pipilitin kong iyon ulit ang mapanaginipan ko. As if naman na pupwede talaga.

At dahil late na ako yung 15mins. na paliligo ko naging 5mins nalang. HAHA oo na wag niyo na akong tawanan. Si kuya marcus kasi ih, di na nga natuloy yung pinakahihintay kong panaginip, late pa nya ako ginising. Tinawan pa ako. Hmmm. Oh sya mag aayos na ako at bababa na ako mamaya para sa aming almusal. Ipanalangin niyo nalang akong wag mahuli ngayon sa klase. HUHU First day of class pa man din. Ganito naman madalas ang nangyayari kapag nalilate tayo, marami tayong minamadale halos ata lahat. HAHAHA including pagtotoothbrush! pero dibale na may mouthwash naman.

Conan's Note!

Wag papadala sa masarap na panaginip, nakakalate.

___


"Bye ma, bye pa" sabay halik sa pisngi at mano.

"Ingat ka anak ha?" pahabol ng mabait kong mama. Kumaway naman sakin si papa.

Dali dali akong lumabas sa gate at nagtawag ng taxi. "Kuya sa NEU. Kuya pakibilisan lang po ha? late na ako." Napanigiti nalang si manong driver.

Nagtungo na nga kami sa school at di ako binigo ni manong driver talagang binilisan nya nga. Salamat sakanya.

"Salamat po manong." Sabay abot nung bayad.

Pagbaba ko sa kanto papasok sa school bumungad sa akin ang napakalaking tarpouline. "WELCOME FRESHMEN TO NORTHEASTERN UNIVERSITY!" wow, di ako makapaniwala dati sa mga pamphlets ko lang ito nakikita. Ngayon nandito na talaga ako. [Parang batang tuwang tuwa sa mga nakikita] gate palang talaga pang mayaman na. Oo, private school nga to. Di kami sobrang yaman di din naman kami mahirap sakto lang. Natanong niyo siguro bakit ako nandito nu? Tama, salamat nalang at kahit papano Valedictorian ako kaya ayon kinuha akong scholar dito. HIHI Tyka matagal ko na rin kasing pangrap talagang makapag aral sa primyadong paaralan na to.

Pero teka anong oras na ba? Time check 7:05am. "What the Fish! I'm late. HOHO" Dali dali akong tumakbo papasok. Napasarap na naman kasi ako sa pagka mukhang timang.

"Kuya saan po ang room 143?" Tanong ko sa guard.

"Ay sa may 3rd floor po dun po sa may right wing daan nalang kayo dito sa covered walk". Sagot naman ni manong.

ANO!! 3rd floor. Naku conan unang pasok mo palang to LATE ka na at sa 3rd floor pa yung room mo. Sabi sa sarili

Takbo conan takbo. Wow, may elevator. Pagkapindot ng button.

"Sorry under maintenance, please temporally take the stairs."

Hinahanap ko kung saan yung nagsalita wala. HAHA yung elevator pala. Na amaze na naman ako susyal tong elevator nila ah. Pero hanep naman tong school na to may elevator nga sila under maintenance naman. Tsk. Kaya no choice ako kundi maglakad sa napakataas nilang hagdanan. Takbo ulit conan takbo.

Hah hah hah. . . Hingal na ako 2nd floor palang. Takbo pa! hanggang sa 141 .. 142 ..

"YES! Sa wakas 143 narating rin kita!" malakas kong sabi sa harap ng pintuan.

Nagulat ako ng makita kong lahat ng mata nakatingin sa akin. [Conan ano bang ginawa mo, nakakahiya ka. Sabi sa sarili]

"Oh! You're so early for the second period miss". Sabi ng isang may edad 35-45 na babaeng merong may mas makapal na eyeglasses sakin. Siya na siguro yung prof. ko. Patay!

"What is your name." sunod niyang sabi.

"Ahh ak aa akk," [Hoy conan ano bang nangyayari sayo. Di ako makapagsalita sa kaba].

"I'm Corrine Ann Lopez po." Nakita kong nagbubulungan yung ibang mga estudyante sa loob.

"Oh, next time come here on time" sabi niya ulit,

"Come in."

Pumasok na ako, hayun may isa nalang na upuan na bakante sa likod. Mabilis akong pumunta roon, nakita kong nandito rin ang kaibigan kong si kyle at narinig kong nagbulungan ulit yung iba, yung iba naman tumatawa.

"So once again I'm Mrs. Xyra Araullo, your professor in this subject. Math 1 Basic Algebra. From the word basic, madali lang kaya walang dahilan para hindi ka pumasa sa subject ko." Pahayag niya.

Nakakatakot siya, pero tama bang narinig kong pangalan niya. Xyra Araullo?? Sounds like SIRA ULO HAHA. What the fish conan behave.

Ilang minutong nagsalita si mrs. Araullo, tulad ng kadalasan pag unang araw ng pasukan, dinisscuss niya ang mga school's rules and regulations at yung mga dapat gawin sa klase niya. Yung mga ayaw niya at gusto niya. Nakaramdam lang ako ng kaba, dahil ibang iba to sa high school. Para bang nasa ibang planeta ako. Pero naihanda ko naman na sarili ko bago pa ako pumasok sa bagong lunggang pinasok ko. At ito talaga ang sigurado ako, Tutuksuhin parin nila ako at pagtitripan. Eh ano namang bago. Sanay na ako. HAHA kaya conan GOOD LUCK sayo!

***

Author's Note: Guys! Sa mga makakabasa please let me know kung how was the story, wala pa kasi talaga akong avid reader eh. Pero dibale na i just want to share this piece of mine. 😄

Wildest Dream Ni Miss Nerdy (On-going) Where stories live. Discover now