Chapter 4 - Raven Leandro Sandovall

11 1 0
                                    


Conan

Maaga naman akong gumising ngayon dahil ayoko ng malate, 6:10am palang ay nakalabas na ako ng bahay at papunta na ako. Pero kung bakit ba naman sa dinami rami ng taong mamalasin, bakit na naman ako pa ang napili. TRAFFIC! What the fish!

Habang nakikibaka ako sa traffic na to, naalala ko muli ang weird na panaginip ko kanina. I was crying in the rain, with someone na di ko maaninag ang kanyang mukha. He was begging to forgive him. 

[Sub-conscious]

"Hindi mo naman kailangang gawin yan!"Kasabay ng pagluha.

"Gusto lang naman kita mapasaya lagi Corrine. I'm really sorry"

"You broke my trust! at ang masakit pa dun umasa na akong totoo na ang lahat."Patuloy na pag iyak pa rin ni conan.

"Mahal kita conan,kaya ko lang naman nagawa yun dahil din sa pagmamahal ko sayo."Pagsasamo ng lalaki.

"No! if it is love you don't need to fake it!"

7:20am na ng makarating ako sa school. Dali dali na naman akong tumakbo para pumunta sa room 143. Mabuti nalang at sa wakas pwede na ang elevator!

ROOM 143

"Goodmorning po, sorry I'm late" bati ko pero nahihiya ako kaya napayuko ako. 

"Good morning miss lopez."  

Aba pamilyar sakin yung boses na yun ah. Pero hindi muna ako lumingon dahil nahihiya talaga ako. Unang araw ko late na nga ako pati pa ba ngayon. Pero bakit malalim ang boses, kailan pa naging lalaki si mrs. Araullo? 

"Ang aga mo naman ata ngayon para sa klase natin mamayang 9am."may halong pabiro ang pagkakasabi. 

Nagkalakas ako ng loob para lingunin kung sino yung nagsasalita. 

Nagulat ako ng makita kong si mr. Alonzo yun. 

"Sir?"gulat kong nasabi.

"Yes, miss lopez? Ngayon ba ang schedule mo sa akin?" 

"Hindi po sir."aligaga kong sagot. 

"Kindly check your schedule sheet miss."

Dali dali kong nilabas yun sa aking bag, hayun!

TUESDAY
9am-10am Nat. scie 1. 

WHAT THE FISH! 9AM pa start ng pasok ko?? 

"Sorry po sir, 9am pa nga po."hiyang hiya kong sabi
Kahit di ko tignan ang mga estudyante sa loob ng silid na yun ay ramdam na ramdam ko na pinagtatawanan na nila ako. Kitang kita ko sa peripheral view ko na may mga nagbubulungan at abot tenga ang ngiti. 

"It's okay miss lopez, see you later on our class."nakangiting sabi ni mr. Alonzo. 

Conan nakakahiya ka talaga. Agad agad na akong umalis sa room na yun, hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang malakas na halakhak ng mga estudyante sa silid na yun. Mabilis kong hinugot yung cellphone ko sa bag para tawagan si kyle!

"Kring..kring..kring..kring"

"H e l l o. . . "mahinang tugon sa kabilang linya na parang inaantok pa. 

"Bakit di mo naman ako ininform na 9am pa pala pasok natin?

"ha? Eh meron ka naman schedule sheet ah." Inaantok pa talaga ang boses.  

"hmmm. Kyle naman iih. Oh siya sge na nga matulog kana ulit.bye" END OF CALL. 

Conan naman kasi hindi na highschool to na araw araw 7am ang klase mo at araw araw sila ang teacher mo. 

Wildest Dream Ni Miss Nerdy (On-going) Where stories live. Discover now