Chapter 8 - The First Two Signs

2 1 0
                                    

Conan

Kinabukasan ang aliwas ng muli sa school nanumbalik na ang kasiglahan ng mga estudyante at mga faculty staffs na animo'y walang nangyari kahapon. Masasabi kong ligtas na muli ang NEU. Natapos ang mga klase namin sa pang umaga at naging maayos at walang anumang aberya ang muling naganap. Mahaba habang hintayan na naman to dahil mamayang 4 pa ang resume ng klase namin. Pati si kyle nanumbalik na rin muli sa sigla. Gusto ko sanang itanong kung ano ang mga napag usapan nila kagabi nila papa pero magmumukha akong tsismosa pag sinimulan ko ang pagtatanong kaya minabuti kong wag nalang itong gawin.

"Conan gusto mo bang pumunta muna sa mall para magpalamig at mamasyal?" Anyaya sakin ni kyle.

"Ah sige wala naman na tayong klase mamayang hapon pa naman yung isa."Pag sang ayon ko.

Pumunta na nga kami sa may waiting area at naghintay ng masasakyan. Ilang sandali pa may dumating na taxi at sinabi na nga ni kyle kung saan kami pupunta. Nang makarating kami sa mall ay nag aya si kyle na sa may arcade kami pumunta para maglaro. Nagpapalit si kyle ng token at hayun, sinimulan na namin ang paglalaro. Una kaming pumunta sa may shooting area, ang galing talaga ni kyle mag shoot bagay na bagay niyang maging basketball player habang ako naman nakakashoot rin naman pero mas marami parin ang hindi ko naipapasok. Pagkatapos nun ay sinunod namin sa mga may baril baril, para itong counter stike na game, nakikita ko tong nilalaro ng mga kapatid ko sa bahay, baril sa mga zombie dito baril doon minsan napapahiyaw ako dahil sa hindi natatamaan yung mga kalaban namin at susugod sa akin yung mga zombie. Napapatawa naman si kyle sa tuwing napapahiyaw ako.

"Ano ka ba conan, hindi sila makakalabas sa screen."Biro ni kyle

"Eh basta."Nahihiyang sagot ko.

Niyaya ko sya na mag just dance kami pero ayaw ni kyle parehong kaliwa daw kasi yung paa niya kaya binigay niya nalang sa akin yung token at ako lang mag isa ang nagsayaw. Nakangiti lang siya habang pinapanood ako at pumapalakpak pa. Nahuli ko rin syang kinukuhanan niya ako ng video kaya lumalapit ako sakanya para pigilan pero dahil matangkad siya itinataas niya lang ang isang kamay niya at pilit kong kinukuha ito, tinatalon talon na parang pasabit sa mga birthday party pero hindi ko makuha kaya hinayaan ko nalang siya at itinuloy ang pagsasayaw ko. Ewan ko ba sa mga oras na yun dahil kahit may mga taong nanonood sa akin ay nawala ang hiya ko at patuloy parin sa pagsasayaw..

"Magaling ka palang sumayaw ah, bakit di ka sumasali sa mga dance contest nung high school?"Papuri at tanong ni kyle.

"Ah kasi walang nagsasali nun sakin. Kaya sa mga quiz bee at academic competitions nalang ako sumasali."Sagot ko.

"Eh bakit ikaw ang galing mo rin palang magbasketball ah bakit di ka sumali sa mga palaro nung high school aber?" Makulit na tanong ko kay kyle. Hindi sya sumagot at ngiti lang ang ibinigay sakin.

Pagkatapos naming maglaro ay niyaya niya akong kumain sa food court dahil gutom na siya.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya sa akin.

"Ah hindi pa, ikaw ba?" Balik na tanong ko kay kyle.

"Halikana punta tayong food court at talagang gutom na ako."

May mga fast food chain naman kaso ang rationale ni kyle kung bakit ayaw niya dun, Fast food chain nga daw pero napakabagal naman daw ang service nila. Kaya mas maganda na raw sa food court at mas masaya. Pumayag na rin ako, bago kami makapunta roon ay napadaan kami sa isang store na ang tinda ay mga bake products at iba pa.

"Ah teka lang, bili tayo ng brownies namiss ko yung brownies ni tita eh."

Ibig ba niyang sabihin ay si mama?? Huminto kami para bumili.

Wildest Dream Ni Miss Nerdy (On-going) Where stories live. Discover now