Chapter 5 - Past With Regret

2 1 0
                                    

THURSDAY, August 11.

Conan

Ikaapat na araw ko ngayon sa NEU, so far nagiging maganda naman ang pagstay ko dito. Pero hinihintay ko na talagang maglunes para sa wakas masusuot ko na ang school uniform ko. They gave us 1 week na palugit to wear ordinary, pero gustong gusto ko na talagang masuot yun pakiramdam ko kasi pagnakasuot na sa akin yun at pumasok ganap na akong estudyante sa school na to.

Bakit kaya di na naman pumasok tong si leandro ngayon unang week palang ng pasukan absent agad? Teka nga!  Bakit ko nga naman ba kasi tinatanong.

“Conan!”Tawag ni kyle sa akin habang kumakaway palakad ng hall way.

“Oh kyle, saan ka na naman ba nanggaling?”tanong ko sa kanya, bigla nya kasi akong iniwan kanina ng walang sabi sa klase.

“Ah may emergency lang akong pinuntahan. Pasensya ka na.”
Pagpapaumanhin ni kyle sabay sa madalas niyang gawin, ang magkamot ng ulo.

“Okay lang yun.”Hindi ko na tinanong pa kung anong emergency pa yun baka magmukha pa akong chismosa pero gusto ko rin sanang malaman dahil iba ang itsura ni kyle ng sabihin niya yun. Pero wag nalang muna.

“Gusto mo bang kumain?”Yaya ko kay kyle.

“ah hindi na, tutal hapon na rin sa bahay nalang mamaya.”pagtanggi ni kyle.

Kailan pa tumanggi ang lalaking to sa pagkain? Mahilig kasing kumain si kyle siya pa ang madalas mag aya sa akin. Pero ramdam ko na may something na gumugulo sa kanya.

“Ah hindi, halika na, sumama ka sa akin!” This time ako naman ang humila sa kanyang kamay kaya wala na siyang ibang nagawa kundi sumunod sa akin. Bukas pa ang canteen ng school dahil sa mga nagdodorm pero mas pinili kong sa may labas nalang kami kumain.

“Hayan umupo ka jan at oorder ako.” Parang boss ako sa mga oras na to.

Umupo lang naman si kyle at sa wakas nakita ko ulit siyang ngumiti. Kasabay ng paglapit ng waiter sa amin.

“Goodafternoon mam, sir. Welcome to Aristocrave. What are your order po?”Tanong ni kuya waiter.

“Dalawang large nitong Lasagna supreme, isang 7-contenent pizza deluxe at dalawang large hokaido milk tea” Sunod sunod na sabi ko sa waiter.

Hindi naman ako nagmamadali nu??

“Okay mam, 10mins. Lang po ah.” Kasabay nun ang pag alis na ng waiter.

Nahuli kong nakangiti lang si kyle. Parang sira naman tong mokong na to. Ano kayang iniisip nito?

“Mukang magana ka kumain ngayon ah?”tanong ni kyle.

“Ah oo, nadigest na kasi yung kinain ko kaninang lunch at nagamit na ng katawan ko yung energy na nametabolize kanina.”Nakangiting sagot ko kay kyle.

“Madalas kasing parang pusa ka kumain eh.”pabirong sabi ni kyle.

Totoo naman.HAHA ewan ko ba kahit anong pilit ko pa minsan na lumunok ay parang ayaw na ng tiyan ko na tanggapin ito. Ngumiti na lang ako sakanya bilang tugon.

“Oh hayan na pala yung order mo.” Nakangiting sabi ulit ni kyle.

Sinerve na nga sa amin, heto naman ang gusto ko dito sa resto. Na to. Mabilis ang service nila. Kumain na kami ni kyle.

Habang kumakain kami ay sinimulan kong interviewhin si kyle. Kahit kasi simula nung nasa elementary kami na magkasama at magkaibigan na ni kyle ay hindi siya yung tipong palakwento ng buhay niya and hindi kayo maniniwala dito, Bestfriend ko sya pero maski pangalan ng mga magulang at mga kapatid niya kung meron man ay hindi ko kilala. Alam ko kung anong address niya pero hindi pa ako nakapunta. Napakasikreto kasi ng lalaking to. Pero I still trust this guy.

Wildest Dream Ni Miss Nerdy (On-going) Where stories live. Discover now