Chapter 2 - The Exclusive Garden

23 1 0
                                    


Natapos ang tatlong subject ko at hayun yung isang prof. ko hindi kami sinipot si Mrs. Araullo at Mr. Alonzo lang nakilala ko ngayon. Infairness si Mr. Alonzo na prof. ko sa Nat. Science 1. Siya talaga yung teacher na hindi ko aabsentan HAHA. Eh paano naman kasi bukod sa napakakisig at laki ng katawan niya, matangkad at mala piolo'ng balat niya kahawig niya si Nam Joo Hyuk my loves ng buhay ko. HAHA in short pogi. Si Mrs. Araullo naman, naku hinding hindi na ako magpapalate sa kanya ayokong bumagsak sa kanya. Sa tingin ko kasi masungit sya at terror. Pero hinding hindi ako magpapadaig sa takot sa kanya. Pero conan unang pasok mo palang you involve yourself in trouble na. Basta bahala na si the flash!

[1 Hour Ago]

"Conan." Nilingon ko kung saan nanggaling yung boses. pamilyar ako sa boses na yun. Tama nga ako, Si Kyle.

"Kyle, Architecture din pala kinuha mo?" tanong ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kyle, Architecture din pala kinuha mo?" tanong ko. "Diba Accountancy talaga gusto mo?" pahabol kong tanong.

"Ah oo. Eh yun gusto nila mom eh."Parang malungkot yung mukha.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ah oo naman, mabuti nga at nandito ka rin pala kaya ok na rin sakin tong course ko." Ngumiti na siya.

"Ito talaga kasi pangarap ko matagal na." Sagot ko kay kyle.

"Mukhang wala na ata yung isang prof. natin ah. Gusto mo bang pumunta sa canteen? Kain tayo treat ko." Yaya ni kyle.

"Ah, mamaya nalang baka biglang dumating eh." Nag aalangang sagot ko.

"Oh sge, tatlong minuto pa. pag wala pa siya ng tatlong minuto, labas na tayo ha?" Pangungulit ni kyle.

"ok sige na nga."

"Last 10 seconds, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1. TIME IS UP! Tara na." Sabay hablot sa kamay ko at nagmamadaling lumabas si kyle. Para akong nahablot sa isang hit and run na scene.

"Sabi ko naman sayo eh wala na yun, tara ng canteen."Masayang sabi ni kyle.

Di narin ako nakatanggi, kaya sumama narin ako kay kyle. Nang naglalakad kami ni kyle papuntang canteen. Nakita ko ang napakalaki at maluwang na gymnasium ng school. Di ko maitago ang pagkamangha ko. Para akong nasa araneta coliseum nito.

"Huy! Conan." Pabulong na sabi ni kyle.

"Ah bakit?" Gulat kong sagot. "Eh kasi parang nasa ibang dimension na naman yang utak mo eh."pabirong sabi ni kyle.

"Eh kasi napakaganda ng school na to eh, tignan mo gym palang nila to"Namamanghang sagot ko.

"Ah oo, bilisan mo na gutom na ako eh. Mamaya nalang at ipapasayal kita dito. Ililibot kita"Sagot ni kyle.

"Talaga ba?"Excited kong tugon. 

"Oo kaya bilisan mo na at gutom na talaga ako"Pagmamadaling sagot ni kyle.

Wildest Dream Ni Miss Nerdy (On-going) Where stories live. Discover now