Chapter 6 - Damsel In Distress

4 1 0
                                    

Conan

Mabilis nagdaan ang mga araw simula ng pumasok ako sa NEU parang kailan lang na first day ko dun, ngayon magpreprefinals na. I got the highest score sa ilang mga exams namin nung preliminary and midterm exams.

Kaya kailangan ko na naman maghanda ngayong darating na prefinal. Ang galling din ng bestfriend ko, akalain mong siya ang mga sumusunod sa akin sa mga rankings. Pero pambihirang leandro yun, imagine four meetings lang sya umattend sa calculus class namin he even rank as 5 out of 35 students in that class. HAHA natanong niyo siguro kung paano ko nalaman? Hindi naman sa lagi ko syang tinitignan at inaabangan tuwing klase pero hindi ko ba alam sa sarili ko na automatic na lumilingon sa seat nya tuwing magsisimula na ang klase namin.

Madalas din akong mahuli ni elize na tumitingin doon dahilan ng madalas ko ring pagkamit ng mga matatalim na tingin. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin sa mga oras palang na yun duguan na ako at naghihingalo.

Biyernes ngayon at araw ng P.E. namin kaya nagtungo ako sa may shower room at locker area para magpalit. Nang makarating ako dun naabutan ko rin doon si elize kasama ang dalawa niyang alipores ay este mga amiga. Bigla akong kinabahan dahil bigla silang humarang sa daanan ko.

"You thought nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin sa canteen." Mean na sabi ni elize.

"Ah sorry, hindi ko talaga sinasadya yun."

Ngunit biglang hinablot ng dalawang amiga ni elize ang magkabilang kamay ko.

"Bitawan niyo ako."Pagmamakawa ko.

"Akala mo rin hindi ko napapansin ang pagsulyap mo kay raven ko nu?"
Sinong raven ang binabanggit ng babaeng to.

"Sino bang raven ang tinutukoy mo?"Mangha kong sagot.

"Well, nagmamaang maagangan ka pa ha"Sabay hawak niya sa aking baba at paghigpit niya sa aking pisngi.

"Kay leandro!" Malakas niyang sigaw.
Natigilan ako. Ah yun pala ang complete name niya. Pero ano bang sinasabi ng babaeng to na gusto ko si leandro. Hindi nu! Pero naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Binitawan ni elize ang aking pisngi.

"Ano bang sinasabi mo elize, wala akong gusto kay leandro.kaya bitawan niyo na ako" Mahina kong sabi.

"Siguraduhin mo lang, dahil hindi lang ito aabutin mo sa akin pag malaman kong umaaligid aligid ka sa kanya. At tyaka tignan mo nga sarili mo? He doesn't even want to look to you. Ang baduy mo nerdy!" malakas niyang sambit sabay ng pagtawa ng dalawang amiga niya.

Bakit ba naging stigma na sa mga nakasalamin ang pagiging nerd? Di ba nila maintindihan na malalabo lang talaga mga mata namin the other way around sa mga nakasalamin just to protect their eyes from radiation.

"Tara na nga girls."yaya ni elize kasabay ng pagbitaw ng dalawa sa kamay ko.

"Pathetic witch"Sabay na sabi ng tatlo habang palabas sa shower room.

"Ano bang problema ng tatlong yun sa akin? Hindi ko naman inaagaw sa kanya yung leandro niya ah. Sakanya niya isaksak pa niya sa liver niya." Sabi sa sarili habang nakaharap sa salamin ng shower room. I don't supposed to cry pero sa di ko maipaliwanag na nararamdaman ko, tears suddenly run out on my eyes.

Pero pinili kong isantabi nalang yun. Tama naman sino ba naman kayang magmahal o maski tumingin man lang sa akin? I'm just a pathetic ugly nerd.

Nagpalit na ako ng pang p.e. uniform ko, pagkatapos nun ay iniwan ko na ang ilang mga gamit ko sa locker ko at tumuloy na ako sa gym. Sports ngayon ang topic namin at nakafocus ito sa volleyball sa aming mga girls at basketball naman sa mga boys. Nasa half court kaming mga girls at nasa kabila din ang mga boys. Pero hindi lang mga architecture students nandito ngayon kasama na rin mga engineering students. Nakita ko si leandro sa may kabilang side ng court kasama ang tatlong kaibigan niya, nakita ko rin si kyle na kumakaway sa akin mula roon.

Wildest Dream Ni Miss Nerdy (On-going) Where stories live. Discover now