Prologue

36 0 0
                                    

"Hoy! Panget lumayo ka dito."Sabay bato ng papel

"Oo nga di ka pwede dito. Ang baduy mo."Pahabol pa ng isang kaklase ko.

"HAHAHA! Kulot kang bruha ka."Sabay hablot sa buhok ko.

Oo yan yung mga salitang madalas kong marinig sa school. High school palang ako tampulan na ako ng tukso. Dahil daw sa kapal ng salamin ko at baduy kong pananamit. ewan ko ba naman bakit sa bata pa naman ako pero anlabo na ng mata ko, ano bang problema nila sa pananamit ko? dito kaya ako kumportable. Meron din naman akong kaibigan, kaso maski siya tinutukso rin. Hay buhay bakit ganun.

Anyeong! Ako nga po pala si Corinne Ann Lopez tinatawag rin nila akong "Conan". Tama conan nga, mahilig kasi sa anime mga kuya ko kaya yun na marahil ang dahilan bakit tinawag nila akong ganun. Isa pa sigurong dahilan ay ang ilang pagkakaparehas naming dalawa. Bukod sa may makapal din akong shades dahil di na kaya ng mata ko pag wala yun. HAHA Consistent honor student ako sa school simula ng nasa primary level ako hanggang nung grumaduate ako sa ng secondary. Hindi ko na rin itatago NBSB po ako. HAHA nakakatawa nu? Siguro nga tama sila sa listahan nila. Na kapag ieennumerate nila ang traits ko parang nanalo na sila sa lotto.

CORRINE ANN LOPEZ

1. KULOT

2. BADUY

3. LAMPA

4. PANGIT

5. HALIMAW

Pero nasanay narin ako, tinatawanan ko na nga lang mga bagay nay un eh.. pero ang alam na alam ko napakaganda ko, miss univerese kaya ako sa bahay! HAHAHA

Wildest Dream Ni Miss Nerdy (On-going) Where stories live. Discover now