Kristine's POV.Lunes na ngayon at hindi ako pumasok sa school kasi ngayon ang araw ng alis ni Eonnie gusto ko isa ako sa maghahatid sa kanya sa airport.
Nasabi narin saakin ni Eomma Ang pinapasabi ni Jungkook na magpahinga daw ako,ang totoo niyan medyo nawala yung inis ko dahil nagalala siya sakin kahit ang totoo ay umarte lang ako na may sakit ako para hindi matuloy yung lakad namin.
"Anak,wag mong papabayaan sarili mo dun ah?"mangiyak ngiyak na tugon ni Eomma.Nandito na kami sa Airpot at mayamaya aalis na si Eonnie.
"Opo Eomma,wag na kayong malungkot magkikita pa naman po tayo"tugon ni Eonnie.
"Oo nga Karla makikita pa naman natin si Sheenaleen"tugon naman ni Appa.
"Mamimiss ka namin Sheenaleen"sabi ni Eomma.
"Ikaw Tin?Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo sila Eomma at Appa ah?Mag-iingat ka!wag mong pabayaan sarili mo ah?"tanong naman ni Eonnie saakin.
"Oo Eonnie"sabi ko ng may halong lungkot kasi aalis nanaman siya and after years pa bago pa ulit kami magkita.
"Pati ba naman ikaw malukungkot?Wag nga kayong magdrama di bagay"biro ni Eonnie"Parang hindi na kayo nasanay na alis at balik lang ako dito"dagdag pa niya.
Nagpaalam na siya kasi kailangan na niya umalis at lahat kami ay kumaway sa kanya habang naglalakad papalayo.
**
Pagkatapos ng paghatid namin kay Eonnie sa airpot ay natulog na lang ako sa kwarto ko kasi medyo napagod ako sa biyahe.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.May nagtext...
[Bakit hindi ka pumasok?Masama parin ba pakiramdam mo?
-Jungkook]Hindi na lang ako text back kasi you know naman ang dahilan,maya maya tumawag siya pero hindi ko sinagot hinayaan ko lang magring yung phone ko.Kahapon pa siya nagtetext kung maayos na daw ba pakiramdam ko pero ni isang text back sa kanya di ko ginawa.
Kristine naman!Bakit mo ginaganiyan si Jungkook?Ganito ba talaga pagnagseselos?Magtatampo ka na lang sa kanya kahit hindi niya alam?Baka makahalata siya na ayaw ko siyang kausapin o iniiwasan ko siya!at isa pa wala akong karapatan magselos kasi yung saaming dalawa ay hindi totoo dahil nagprepretend lang naman kami na mag-on.
"Matutulog na lang ako!"sabi ko sa sarili ko at natulog ulit.
**
Tuesday /SCHOOL/
Naglalakad ako sa hallway nang may lalaking tumawag saakin kaya nilingon ko ito.
"Kristine!Bakit hindi mo sinasagot tawag ko at mga text ko?Okay ka na ba?sabi ni Tita Karla sumakit tiyan mo?Ano?okay ka na?"sunod-sunod na tanong ni Jungkook.
"Nagalala ako sayo.."dagdag pa niya,wahhh nagalala siya sakin?Hindi ko namamalayan nakangiti na pala ako.Ano?wait?!nakangiti?!Ay!kailangan nasa wala sa mood mode muna ako kaya yung ngiti ko kanina agad na pinawi ko sa aking labi.
"Ahhhh Oo,okay na ko,kaya hindi ko nasasagot tawag mo kasi......ano...kasi.....hindi ko naririnig,nakasilent kasi yung phone ko at lagi ko nilalagay sa ilalalim ng unan ko yun,wala naman akong load para makapagtext back saiyo kapag nababasa ko text mo.."pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
Our Unforgettable Memories [Jungkook FANFICTON](Completed)
FanfictionThis is a short story.Sa mga mahilig pong magbasa ng Short story you can read this po.Kasahamnida🙂 Started:August 03,2017 Ended:November 11,2017