Sheenaleen Choi's POV.
Nakatulog na si Kristine ngayon,Halos 2weeks na siya nasa hospital,ang laki ng pinagbago ng katawan niya pumayat siya at unting-unti nalulugas ang kanyang buhok dulot ng mga therapy na ginagawa sa kanya.Nakikita ko siyang lagi niyang tinititigan ang lirato at pinapanood ang mga video nila ni Jungkook,madalas ko din siyang makitang umiiyak.Nalulungkot ako na nasasaktan tuwing nakikita ko siyang nahihirapan,umiiyak ako ng patago sa kanya dahil ayaw niyang nakikita kaming malungkot,nasabi na rin ni Kristine saakin ang dinahilan niya kay Jungkook na umuwi siya sa Hometown namin sa Ilsan kaya halos walang kaalam-alam si Jungkook sa nangyayari sa kapatid ko.
Alam na rin ni Pauline ang tungkol sa sakit niya,sinabi ko.Gaya rin ng reaksyon niya nalungkot at naiyak siya.Minsan siya ang nagbabantay sa hospital kapag may inaasikaso kami tungkol sa mga needs ni Kristine.
"Eonnie...."
Narinig kong tinawag ako ni Kristine kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Bakit?May gusto ka bang kainin o ano?"tanong ko.
Umiling siya.
"Eonnie...pwede mo bang itago 'to?"sabi niya sabay abot ng camera niya na may mga litrato nila ni Jungkook at video,ito yung camera na lagi niyang tinitingnan.
Tumango na lang ako at kinuha iyon.Gusto kong sabihin na kay Jungkook ang tungkol sa sakit niya dahil kahit ayaw sabihin ni Kristine alam kung gusto niya itong makita,pero natatakot siya na makita siya ni Jungkook na ganoon ang kanyang itsura.
May kumatok sa pintuan at pumasok si Pauline,Si Eomma at Appa na may mga dalang prutas.
"Hi,Kristine"bati ni Pauline.
Nginitian naman siya ni Kristine.
"Tamang-Tama,nandito kayong lahat..May gusto sana akong sabihin sainyo.."sabi ni Kristine.
"Ano yun?"tanong namin.
"Gusto ko lang sabihin na...kahit na mawala ako...ayokong malungkot kayo at wag kayong iiyak...tanggap ko na hindi na 'ko gagaling at konting oras o araw na lang ang natitira mawawala nako...ramdam ko iyon...hindi ko na kinakaya ang sakit ko..lagi niyong tatandaan na mahal ko kayo at lagi lang ako nasa tabi niyo kahit na wala na 'ko...may isang tao lang akong gustong makita..pero----"agad na naputol ang sasabihin ni Kristine ng may isang lalaking pumasok sa kwarto at umiiyak at yoon ay si Jungkook.
"S-sorry Kristine,hindi ko na nasabi saiyo,pero kailangan na niya talaga malaman ang tungkol saiyo at alam kong gusto mo rin siyang makita dahil nakikita ka naming araw-araw umiiyak dahil sa gusto mo siyang makita...sana wag kang magalit saamin nila Ajussi at Ajumma"paliwanag ni Pauline.
Sinabi na pala nila kay Jungkook ang tungkol sa kaniya..Buti naman..
Iniwan na muna namin silang dalawa dito para makapag-usap.
**
Jungkook's POV.
Nang malaman ko ang ang tungkol sa sakit ni Kristine,nanghina ako hindi ko matanggap.Kaya pala hindi na siya pumasok sa school for almost 2 week mahigit dahil amy iniinda na siya.Nagdahilan lang pala siya na pumunta siya sa Ilsan para mag bakasyon muna.
Sinama ako nila tito Jed at tita Karla at si Pauline para makita ko si Kristine.Hindi muna nila ako pinapasok kasi hindi alam ni Kristine na nandito ako.Habang nasa labas ako lumapit ako sa pintuan at narinig kong nagsasalita si Kristine.
"Gusto ko lang sabihin na...kahit na mawala ako...ayokong malungkot kayo at wag kayong iiyak...tanggap ko na hindi na 'ko gagaling at konting oras o araw na lang ang natitira mawawala nako...ramdam ko iyon...hindi ko na kinakaya ang sakit ko..lagi niyong tatandaan na mahal ko kayo at lagi lang ako nasa tabi niyo kahit na wala na 'ko...may isang tao lang akong gustong makita..pero----"namamaalam na ba siya?hindi pwedeng mawala siya!hindi ko kakayanin!
Agad na pumasok ako sa loob kahit na wala pang sinabi sila na pumasok na 'ko.Napahinto sa pagsasalita si Kristine at gulat na napatingin saakin.Nagulat din ako sa nakita ko....ibang-iba na ang itsura niya sa itsura niya noon...payat at halos nalugas na ang kaniyang buhok at halos namumutla ang mga labi..umiiyak ako sa harap niya at ganoon din siya.
"Maiwan muna namin kayo"sabi ng Eonnie ni Kristine.Lumabas na sila at lumapit ako sakaniya.
"B-bakit hindi mo sinabi?"tanong ko sakaniya habang umiiyak.
"Bakit ka pa nagpunta?Ang Pangit-pangit ko na oh?"sabi niya.
"Ikaw lang ang maganda sa paningin ko...Kahit ano pa ang itsura mo ngayon mahal na mahal kita"sabi ko.
Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.Ang sakit makitang ang taong mahal mo ay nahihirapan at madaming mga aparato ang nakakabit sa kanyang katawan.
"Ayokong makitang umiiyak ka...Kasi kapag umiiyak ka lalo lang ako nanghihina...J-jungkook...Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo dahil ayokong mag-alala ka pa...L-lagi mong tatandaan na Mahal...na...mahal kita...Ikaw lang ang l-lalaking inibig ko...Salamat dahil minahal mo ko ng buong-buo..salamat dahil ngayon ko lang naexperience na magmahal ng isang lalaki...Salamat dahil dumating ka sa buhay ko..."sabi niya habang umiiyak din.
Please!Wag mo 'kong iiwan!
"J-jungkook masaya ako dahil nakita ko ang lalaking mahal ko ngayon...Handa na 'kong mawala ng may ngiti sa mga labi ko.."
"Wag mong sabihin yan...dahil mabubuhay ka.."sabi ko habang umiiyak.
Umiiling-iling siya.
"H-hindi Jungkook,hindi ko na kinakaya ang sakit ko...siguro binigyan lang ako ng oras para makausap at makita ka...Sa oras na mawala ako sa tabi mo wag kang malulungkot dahil lagi parin ako susubaybay sainyo kahit na sakabilang mundo na 'ko...May dadating pang Babae para sayo...at kung dumating man yon...hindi ako magagalit sayo,mahalin mo siya gaya ng pagmamahal na ibinigay mo sa'kin...Mahal na mahal kita.."sabi niya at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa aking batok at hinila para halikan ako.
"Salamat..."sabi niya at...unting-unti niya ipinikit ang kanyang mata...nakita ko ang mga kamay niyang nakakapit sa batok ko kanina ay unting-unting nahulog at naring ko na ang pagtunog ng aparato na ibig sabihin ay......wala na siya...
Agad na nagsipasukan ang mga magulang,kapatid at kaibigan ni Kristine kasama ang mga doctor upang isurvive nila si Kristine.
Halos iyak ang maririnig sa buong kwarto.
Masyadong mabilis ang pangyayari kanina kausap ko lang siya pero ngayon....
Huminto na ang Doctor sa pagsurvive sa kanya at nakita naming tiningnan na ng doctor ang kanyang orasan.
"Time of death,6:30 pm"
"I'm sorry ginawa namin ang lahat pero wala na talaga siya..."sabi ng doctor at umalis na siya sa kwarto.
Agad na niyakap nila si Kristine na wala nang buhay....Ako?Lumabas ako ng kwarto at doon umiiyak..
"Jungkookie..."rinig kong sabi nila Jin Hyung..Paano sila napunta rito?
"Hyung..."sabi ko habang umiiyak.
"Kookie,sigurado kami na masaya na siya sa kabilang buhay dahil kahit sa huling araw niya nagkasama kayo.."
BINABASA MO ANG
Our Unforgettable Memories [Jungkook FANFICTON](Completed)
FanfictionThis is a short story.Sa mga mahilig pong magbasa ng Short story you can read this po.Kasahamnida🙂 Started:August 03,2017 Ended:November 11,2017