Kristine's POV.
4days after nang magkaayos na kami ni Jungkook.Nandito ako ngayon sa Hospital para kunin ang results ko,kinakabahan ako na parang natatae.Kinakabahan ako sa mga magiging resulta sana wala akong sakit at yung pananakit ng ulo ay sana isa lang stress.
"Ms.Choi,Next"sabi na ng secretary ni Dr.Lim.
Pumasok na 'ko at naupo.
"Dr.Lim,musta po yung result ko?"tanong ko,hindi muna siya kumibo at nakatingin saakin.Bakit parang...
"Doc.?may problema po ba?"tanong ko.
"I'm sorry ija but you have a......cancer"
Cancer?Paano?Bakit?
Naiyak ako sa narinig 'ko natatakot ako sa sakit na ito.Bakit ako nagkaroon ng ganitong sakit?
"Doc.N-nagbibiro l-lang po kayo diba?"sabi ko habang ang luha ko ay walang tigil sa pagtulo.Umaasa parin ako na hindi totoo ang narinig ko.
"Sorry Ija,your cancer is a Stage2"
"P-po?Bakit hindi ko po naramdaman ang mga sintomas agad?"tanong ko.
"Hindi agad lumabas ang mga sintomas sayo,yung pananakit at ang pagdugo ng ilong mo ay isa sa mga sintomas,siguro matagal ka nang may cancer ngunit hindi mo alam dahil sa hindi agad na paglabas ng sintomas nito"sabi niya."Ija,mas mabuti kung sabihin mo sa parents mo or guardian ang tungkol sa sakit mo..."dagdag pa niya.
Ayaw kong magaalala pa sila.
"Doc.makukuha pa po diba sa mga gamot?"
"....Maybe,I want to be honest with you ija,ang cancer ay mahirap pagalingin at sa mga nagkakaroon ng ganitong sakit ay hindi na....naliligtas.Meron din naman mga Cancer survivor,pero konti lang ang mga taong naliligtas sa ganitong sakit"paliwang niya.
Alam ko naman yun.
"Kung ganoon Doc. may chance na mamamatay ako?"
"Wag kang mawalan ng pag-asa,magdasal ka lang sa maykapal,irereseta ko ang gamot na dapat mong inumin ha?"
**
"Yah!Bakit ka tulala jan?Hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko eh"tanong ni Pauline.
Nagkita kami sa mall matapos ko maggaling sa Doctor.
"H-huh?Sorry ano ba yung sinasabi mo?"tanong ko.Natutulala na lang ako dahil hindi ko matanggap na dinapuan ako ng ganitong sakit.Mamimiss ko ang Bestfriend kong ito.
"Aish!Nevermid"pagmamasungit niya.
"Pauline....kahit na ganyan ka kalukaret at kabaliw,mahal kita..."sabi ko.Hindi ko kayang isipin na maiiwan ko siya,simula bata magkaibigan kami at alam kong pagsinabi ko sakanya ang tungkol
sa sakit ko baka magalala pa siya."Ano ba pinagsasabi mo?May tama ka ba?Kasi for the first time sinabihan mo ko ng 'mahal kita'."sabi niya.Oo tama siya ngayong ko lang siya sinabihan ng ganoon.
Nginitian ko siya at niyakap.
"Basta kahit anong mangyari maging ganyan ka lang,i mean yung pagiging kalog mo wag mong alisin at maging masaya ka,wag kang magiging malungkot ah"sabi ko ng maluha-luha ako.
"Ang weird mo....Yes hindi ako magbabago.."sabi niya.
"Tara!Kain na tayo"sabi ko at hinila siya sa restaurant na paborito naming dalawa.
**
Pagkadating sa bahay nahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame.Maraming mga tanong ang namumuo saking isipan.
Paano ko malalagpasan itong sakit ko?Kung sakaling hindi man ako makasurvive sa sakit 'tong kong 'to,hindi ko pa kayang iwan ang mga taong mahal ko sa mundong tinatapakan ko.Stage2 cancer ang meron ako,kahit ayaw ko mang sabihin pero mahirap nang makasurvive sa ganitong klase ng sakit.
Hindi ko namamalayan na umiiyak na 'ko.'Bakit sa lahat ng tao saakin pa dumapo ang sakit na'to?'tanong ko sa sarili ko.
Tumayo ako at kinuha ang result sa bag ko at tinabi sa cabinet ko.Hindi ko pa handang sabihin sakanila ang tungkol sa sakit ko.Kumuha ako ng gamot na nireseta saakin at iniinom ko pagkatapos,inilagay ko na ang mga gamot na iniinom ko sa isang lalagyan at tinago sa cabinet.
Tinawagan ko si Jungkook sa Telepono at agad naman niya ito sinagot.
"Jungkook...pwede tayo mamasyal kahit saan?"tanong ko,gusto ko bago ako mawala makasama ko siya.
"Sige...Saan mo ba gusto pumunta?"tanong niya.
"Sa tabing Dagat..."sabi ko.Wag nyo na 'kong tanungin kung bakit sa tabing dagat kasi simple lang sagot nakakarelax at refreshing.
Matapos naming mag-usap dalawa natulog na ako.
___________________________________
A/N:Guyseu,yung tungkol don sa cancer chuchu gawagawa ko lang yung mga symptoms non.Btw,Thanks for reading this chapter.Sorry for the typos!Ps:Kung gusto nyo pa pong magbasa ng Fanficton punta lang po kayo sa mga works ko pero hindi parin po yun completed,hindi ko naman po kayo pipilitin kung ayaw nyo.Salamat!
BINABASA MO ANG
Our Unforgettable Memories [Jungkook FANFICTON](Completed)
FanfictionThis is a short story.Sa mga mahilig pong magbasa ng Short story you can read this po.Kasahamnida🙂 Started:August 03,2017 Ended:November 11,2017