Chapter Four.1

6.8K 125 0
                                    

Kanina pang napapansin ni Darvin ang dalawang babae na titingin-tingin sa kanya. Pasimple lang niya itong sinusulyapan habang nakatungo sa hanay ng mga DVDs sa isang music store. Naiiling habang nangingiti siya dahil panay pa ang bulungan ng dalawang tila mga teenager pa kasunod ay magtatawanan. Alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Naglakad-lakad siya at lumipat ng rack. May hawak na siya noong bibilhin ngunit may balak siya. Gumilid siya nang marating ang dulong section. Hindi na siya nakikita ng mga dalaga. Sinilip niya ang mga ito sa siwang sa pagitan ng cds. Nakita niyang sinundan siya ng isa. Mabilis siyang pasimpleng kumilos at umikot. Huhulihin niya ito. Nasa likod na siya nito.

"Hindi mo yata makita ang hinahanap mo."

"Oh, shoot." Gulat na gulat ang babae nang humarap sa kanya. Napangiti siya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka." Saad niya. Naglalaro ang kakaibang ngiti. Nakita niya ang pasimpleng paglunok ng babae. At habang pinagmamasdan niya ito ay napansin niya na pamilyar ito sa kanya. Sigurado siyang nakita na niya ito. Sigurado rin siya na hindi ito isa sa mga naging flings niya dahil napakabata ng hitsura nito. Baka nga estudyante pa ito.

"Ito. Ito ang hinahanap ko." May taranta nitong tugon sabat hagip sa album ng The Script. Napailing siya.

"Really." He said. Umangat ang isang kilay nito.

"Oo. Bakit hindi ka makapaniwala ng trip ko music nila. They're good." Sagot nito. Tumangu-tango siya.

"Natatandaan na kita. Ikaw 'yong kapatid ng masungit kong kinakapatid, si...Kate?" nasabi niya nang matandaan na ito. Umismid ito.

"Ang malas ko naman. Si Ate pa talaga ang naalala mo." Padabog nitong ibinalik ang cd sa rack.

"Akala ko ba 'yan ang hinahanap mo." Sabi niya.

"Oo nga. Pero parang mas gusto kong maghanap ng compilation ng mga instrumental. Ma-relax ba." Sagot nito. Natawa siya. Natural talaga dito ang madaldal. Though smart, hindi maitago ang katarayan at tila pagiging spoiled.

"Ikaw naman. Tampo agad. Alam ko naman ang pangalan mo, Anika right?" sabi niya at tumingin ito sa kanya. He smiled. Noon lumapit ang kasama ni Anika.

"Hi." Kaagad na bati sa kanya. Excited pa. Nakita niyang siniko nito si Anika.

"Si Lily. Classmate ko." Pakilala ni Anika sa kaibigan. Tinanggap niya ang kamay nito.

"Darvin." Sabi niya at ngumiti naman si Lily.

"Kinakapatid ng masungit kong Ate." Dagdag pa ni Anika. Umiling siya habang nangingiti.

Mukhang masama ang loob ni Anika sa kanya dahil tila hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Na kaya niya lamang natandaan si Anika ay dahil sa kapatid nito. Ngunit iyon naman ang totoo. Mas tumatak sa isip si Katelyn. Parehong maganda ang magkapatid ngunit si Katelyn ang mas nakakuha ng atensyon niya. Mas bubbly at makwento si Anika. Ngunit maaaring dahil sa alam niyang bata pa ito. Kung minsan nga ay tila nagpapapansin pa si Anika sa kanya. But there were no malice for him. Parang nakakabatang kapatid pa nga ang tingin niya kay Anika.

"Okay. Para makabawi ako sa'yo. I'll treat you two to snack. How 'bout that?" sabi na lang niya. Nagtinginan ang magkaibigan.

Nagkibit-balikat si Anika. "Sige."

"Oh, Nikka. Hindi ako makakasama." Sabi naman ni Lily. "Nag-text si Mama."

"So, mukhang tayong dalawa na lang." sabi niya at tumingin si Anika sa kanya. Saka muling tiningnan ang kaibigan.

"Okay." Sabi ni Anika. Nagbeso sina Anika at Lily ngunit napuna niya na may katagalan iyon na tila may sinabi pa si Lily kay Anika. Kasunod noon ang pasimpleng pagngiti ni Anika. Saka tumingin sa kanya.

Umiling na lang siya. "Tara."

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon