Chapter Seven

7.7K 151 2
                                    

Tahimik si Katelyn na nakaupo sa stool habang pinapanood si Darvin na kausap ang engineer ng resort. Hindi siya nagpakita dito nang dumating siya sa site. Gusto lang naman niyang makita kung gaano kalaki ang lugar at ang plano na sa engineer na lang niya hihiningin para hindi na niya kakausapin ang binata.

Nabanggit niya sa kanyang Mommy na si Darvin ang architect ni Mrs. Stefan. Ikinuwento niya ang nangyari sa restaurant at umasa na kahit paano ay kampihan siya ng kanyang ina at ipu-pull out na siya sa project ngunit nabigo siya. Tumawa lang ang kanyang ina at sinabing 'Goodluck.'

Napaangat ang likod niya nang makitang kumilos ang nag-uusap at patungo sa tent na kinaroroonan niya. Umalis siya doon. Mag-iikot na muna siya.

Buo na ang pundasyon ng resort. Mabilis magtrabaho ang PowerSite. Marahil bago pa umuwi si Darvin galing New York ay nasimulan na ang paggawa noon. Binuklat niya ang scale drawing ng resort habang naglalakad-lakad.

"Sinusundan mo ba ako?" nagulat si Katelyn sa narinig na boses. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na malaking papel. Pamilyar ang tinig na iyon kaya napapikit siya.

"Hindi." Maiksi niyang sagot na hindi nililingon ito. Kaagad itong nakalapit at umagapay sa kanya.

"So, anong ginagawa mo dito?" tanong nito. Habang kasabay niya ito ay naamoy niya ang halimuyak ng pabango nito. It was a mixture of male perfume and a natural male scent. She felt different right away. Tumikhim siya upang iwaglit ang naramdaman.

"Nagtatrabaho. Remember I will design this place." Sagot niya.

"Oh, dapat sinabihan mo ako. Kaya kong ibigay sa'yo ang lahat ng kailangan mo. You need the plan?" sabi nito.

"May scale na 'ko. Here." Sagot niya at muling binuklat ang dala niya. Ipinakita niya iyon. Gusto niyang mapunta sa working mode sila dahil ayaw niyang ipaalala pa nito ang nangyaring kahihiyan niya at hindi na rin ito mangulit sa kanya.

Dahil sa hawak niya ang scale ay hindi sinasadyang nahawakan ni Darvin ang parte kung nasaan ang kamay niya. His hand landed on hers. Tila hindi naman iyon pansin ng binata dahil abala ito sa pagkilatis sa scale. Ngunit hindi magawa ni Katelyn na huminahon dahil naiilang siya sa pagkakalapit nila. His face was almost on chick. Kahit nakatungo ito ay masyado itong malapit sa kanya. Bahayga na lang siyang lumayo upang humagilap ang hangin dahil parang nauubusan siya.

Taka itong lumingon sa kanya. "May problema?"

Kurap ng mata at iling ang naisagot niya. Darvin was more appealing up close. Tila nararamdaman din niya ang init na nagmumula sa katawan nito at naiinis siya dahil kailangan pa niyang maradaman iyon. Bakit niya napapansin ang mga ganoong detalye sa binata?

"Okay ang scale mo pero kailangan mo pa ring makita ang blueprint. May ilang rooms kasi na binago ang location. Kailangan kasi ng view site." Sabi nito na hindi naiintindihan ang nangyayari sa kanya nang mga oras na iyon. Huminga siya nang malalim.

"Relax. Lagi ka na lang nai-excite kapag nakikita ako. Gano'n ba kalakas ang dating ko sa'yo?" pagbibiro nito.

Katelyn exhaled exaggeratedly. Bakit naman ganoon ang mararamdaman niya? Naiinis lang siya sa presensya nito kaya ganoon.

"Narito ako para magtrabaho hindi para sa kayabangan mo? Lagi ka bang ganyan sa mga babae? Hindi ka rin mayabang." Sarkastiko niyang sagot.

Tumawa ito. "Come on, admit it. Maybe you imagine me...naked."

"Hah!" she exclaimed. "Oh my...nahalata mo pala. Gosh...you're so sexy. I want you."

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon